Yasmien Kurdi vacationing in Dubai till January 27

Young actress Yasmien Kurdi updates PEP on her schedule once she returns from her short vacation in Dubai.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng YM (Yahoo! Messenger) si Yasmien Kurdi, na kasalukuyang nasa Dubai, kahapon, January 15. Kaya pala wala ang young actress sa post-Christmas party ng GMA Artist na ginanap noong Lunes, January 14, sa El Nuevo, T.Morato Ave., Quezon City, ay dahil lumipad ito patungong Dubai.

Naibalita ni Yasmien na kasama niya sa naturang bansa ang kanyang mga kaibigang naka-base na doon.



Kuwento ng dalaga, "Ang lamig-lamig po dito ngayon. Bale kahapon po [Jan. 14] ako dumating dito. Kasabay ko pong dumating si President [George] Bush. Ang malas naman ng pagdating ko dahil holiday, sarado ang mga kalye.



"Sobrang na-miss ko talaga ang Middle East. Ang saya dito. Holiday po for President Bush! Ganoon siya kaespesyal."



Bakasyon ang ipinunta ni Yasmien sa Dubai at hindi raw raket. Sa January 27 pa ang balik ni Yasmien sa Pilipinas.

"Sa January 21 pa po ang simula ng taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, pero sa February pa po ako magte-taping. Pagdating ko po ng ‘Pinas, fly naman agad ako sa Iloilo. Then sa February 1 and 2, punta naman ako ng Singapore para sa premiere night ng Bahay Kubo.



"Sa February 19 naman po ay pupunta ako sa Las Vegas dahil may show kami doon nina Jolina [Magdangal] at Dennis [Trillo]. May concert po kami doon. May bago rin po akong music video na umeere na po ngayon, ang Take It Or Leave It. Puwede n'yo pong i-search at You Tube," pahayag pa ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN