KC Concepcion to sign movie deals with Star Cinema

KC Concepcion, daughter of Megastar Sharon Cuneta and former heartthrob Gabby Concepcion, is reportedly signing up with Star Cinema to do two movies.



Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na pipirma na ng movie contract sa Star Cinema ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Noong una, isang pelikula lang daw ang gagawin ni KC sa film arm ng ABS-CBN, pero later on, two movies na raw ang gagawin ng dalaga.



Sa unang gagawing pelikula ni KC sa Star Cinema, kung hindi si Sam Milby ay si John Lloyd Cruz ang napipisil na maging leading man niya. Hindi pa puwede si Piolo Pascual dahil bini-build up pa ang tambalan nila ni Angel Locsin sa Lobo. Pero kung dalawang pelikula ang pipirmahan ni KC, posibleng ang second project niya ay si Piolo na ang makakapareha niya.



Tuwing natatanong kung sino ang gustong makatambal kapag gagawa siya ng pelikula, si Piolo ang laging binabanggit ni KC. Magkakaroon na ito ng katuparan, pero hindi siguro sa una niyang pelikula.



Sa launching ng Isn't It Romantic? 2 album ni Sharon, pahapyaw na nabanggit ng Megastar na gagawa ng album si KC. Dahil sa Sony BMG may record deal si Sharon at sa launching ng album niya in-announce ang tungkol dito, ibig sabihin, magkakasama sila ng anak sa naturang recording company.



Kaugnay ng pagpasok sa pelikula ni KC, ang alam ng PEP ay hindi lang sa Star Cinema siya may offer. May movie offers din siya from other film companies na hindi pa puwedeng ipaalam sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN