Kim Chiu and Gerald Anderson will either work or date on Valentine's Day

"Wala pa akong plano sa Valentine's. Pero kung sakaling wala kamingwork ni Kim, i-invite ko na lang siya na lumabas kami, di ba?" replies Gerald Anderson when asked about his plans on Valentine's day with loveteam partner Kim Chiu.



Pagkatapos ng matagumpay na drama series na Sana Maulit Muli, muli na namang mapapanood ang loveteam nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa bagong show ng ABS-CBN, ang Maligno. This time ay horror naman ang tema ng kanilang programa, kung saan makakasama nila ang nagbabalik na si Claudine Barretto at si Diether Ocampo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Gerald at Kim noong January 13 sa birthday celebration ni Melissa Ricks na ginanap sa Packo's Grill, Quezon City.

Sa Maligno ay gumaganap bilang TV reporter si Kim at si Gerald, siyempre, ang partner niya.

Sa America nag-celebrate ng nakaraang Pasko at Bagong Taon si Gerald kasama ang kanyang buong pamilya, habang si Kim ay nasa kanyang hometown sa Cebu. Ano ba ang regalo nina Kim at Gerald sa isa't isa noong nakaraang Pasko?

"Camera po ang ibinigay ko sa kanya," sabi ni Kim.

Sagot naman ni Gerald, "Ang ibinigay ko naman sa kanya, isang special DVD player na mukhang PSP. At isang electronic picture frame."

Ngayong nalalapit na Valentine's day ba ay may plano silang mag-date?

"Hindi ko po alam kung kami ang magkakasama, e," sagot ni Kim. "Baka po kasi may trabaho ako ng araw na 'yon. Pero kung wala po, at wala ring trabaho si Gerald at yayayain niya ako na lumabas kami, why not, di ba?"

Ayon naman kay Gerald, "Wala pa akong plano sa Valentine's. Pero kung sakaling wala kaming work ni Kim, i-invite ko na lang siya na lumabas kami, di ba?"

Ano ang balak nilang ibigay sa isa't isa ngayong Valentine's?

Sabi ni Kim, "Hindi ko pa po iniisip kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Para po kasi sa akin, wala naman po masyadong special sa araw na yun. Para lang po yung ordinary day."

Sagot naman ni Gerald, "Siyempre, may gift ako sa kanya. Pero secret muna kung ano yun. Sa Valentine's ko na lang ibibigay sa kanya para surprise."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN