Richard Gutierrez teams up with Marian Rivera in Valentine movie

"It's refreshing for me to have a new partner and si Marian pa angnaka-partner ko. Nagkasundo kami kaagad ni Marian simula pa lang nungshooting," says Richard Gutierrez about his new leading lady, Marian Rivera.



Sa unang pagtatambal nina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa pelikula via GMA Films and Regal Entertainment's Valentine offering, ang My Best Friend's Girlfriend (BFGF), hindi maiwasang ikumpara ang tambalan ng dalawa sa tambalan noon nina Richard at Angel Locsin.

Matatandaang for three consecutive years, palaging may pelikula ang tambalan nina Richard at Angel tuwing Valentine. Nagsimula ito sa Let the Love Begin noong 2005, na sinundan ng I Will Always Love You noong 2006 at The Promise last year.

But this year, dahil nasa bakuran na ng ABS-CBN si Angel, si Marian ang napili ng GMA Films at Regal na itambal kay Richard sa Valentine offering nila, ang BFGF.

Sa presscon ng romantic comedy film directed by Mark Reyes kagabi, January 16, sa 17th floor ng GMA Network, tinanong si Richard kung ano ang pakiramdam niya na iba na ang kapareha niya sa kanyang fourth consecutive Valentine movie.

Sagot ni Richard, "For the past three years, I've been doing a Valentine movie with the same partner. So now, it's a new start, refreshing start for GMA Films this coming Valentine's. I'm very excited about this movie.

"It's refreshing for me to have a new partner and si Marian pa ang naka-partner ko. Nagkasundo kami kaagad ni Marian simula pa lang nung shooting. Ngayon, I consider her as a good friend of mine. Iba yung pelikula talaga namin, iba yung chemistry namin ni Marian. Maganda yung rapport namin onscreen," pahayag ng young actor.

Para naman kay Marian, hindi naging mahirap ang pakikipagtrabaho niya kay Richard sa unang pagkakataon.

"Si Richard kasi, bago pa kasi ako mag-Marimar, pinapansin na niya ako," kuwento ni Marian. "So, hindi siya suplado sa akin. ‘Tapos habang nagtatagal na yung shooting namin, sobrang maalalahanin niya. Yung tipong, ‘Kumain ka na ba? Ano'ng gusto mong kainin?' Hangga't hindi ka niya nakikita na okay ka, na busog ka, hindi ka niya talaga tatantanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Richard: "Hindi ko in-expect kay Marian na sobrang saya pala niyang kasama sa set. Enjoy kaming dalawa ‘pag nagtatrabaho kami. Ang taas ng energy level niya kahit talagang puyat na puyat na kami. Talagang kumukuha ako ng energy sa kanya kasi ang taas ng energy. Ang sarap niyang katrabaho."

Nagbigay rin ng kanyang opinyon ang co-producer ng BFGF na si Mother Lily Monteverde tungkol sa tambalang Richard-Marian. Aniya, "I think this is the best team. The way I see it, it's better than Richard and Angel team... I have seen the two of them [Richard and Marian], magkamukha sila. Isang guwapo, isang guwapa."

Nang hingan naman ng reaksiyon si Richard tungkol sa sinabi ni Mother Lily ay hindi nakasagot agad ang young actor. Pero nang mahimasmasan na, sabi niya, "It's new, so it's refreshing... Iba, iba... Yung acting range niya [Marian], from comedy to drama talagang magaling siya."

Pagkatapos marinig ang papuri ng kanyang leading man, nagpasalamat naman si Marian kay Richard.

Dagdag ng young actress, "Sa bawat trabahong ginagawa ko, lahat binibigyan ko ng atensiyon at lahat ginagawa ko para mapaganda siya. Hindi lang yung basta umarte ako, aarte ako. Lagi kong sinasabi, lagi kong pinagbubuti lahat ng trabahong ibinibigay sa akin."

Dahil sa pagtatambal nila sa pelikula, posible kayang mapanood din sina Richard at Marian sa isang TV show?

"Bakit naman hindi, di ba?" sagot ni Richard. "Siyempre, gusto. Pero, personally, I want to take one step at a time. Siyempre, focus muna sa pelikula ngayon at may mga shows pa kaming umeere sa TV. So, focus muna sa movie. In the future, why not? I would love to work with Marian."

Malakas ang ugong ng balita na sina Richard at Marian ang magbibida sa pagbabalik ng mga Pinoy superhero roles na Captain Barbell at Darna sa proyekto ng GMA-7 na may titulong Captain Barbell Meets Darna. Pero ayaw munang magsalita ng dalawa, o maging ang executives ng GMA-7, tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN