Judy Ann Santos expecting the worst in her tax evasion case

"Ayoko na lang isipin, pero ang hirap talaga ng may kaso, especiallygobyerno yung kalaban mo... Pangit mang pakinggan, I'm justexpecting the worst things that might happen. Kung guilty, e, diguilty. Kung kulong, e, di dalawin n'yo na lang ako!" says Judy Ann Santos about her tax evasion case.


Bagama't humataw nang husto ang showbiz career ni Judy Ann Santos lastyear—blockbuster pareho ang mga pelikula niyang Ouija at Sakal,Sakali, Saklolo, at nag-hit din ang soap opera niyang Ysabella—hinarapnaman ng young superstar ang marahil ay pinakamalaking problemang dumating sakanyang personal na buhay: ang kaso niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nahalos tatlong taon na ang itinatakbo.

Matatandaan na noong May 19, 2005 ay sinampahan ng BIR ng P6.76-million taxevasion suit si Judy Ann dahil diumano sa hindi niya pagdedeklara ng lahat ngkanyang income.

Binanggit ni BIR Commissioner Guillermo Parayno na imbes P11 million angidineklarang kita ni Judy Ann noong 2002 mula sa ABS-CBN ay P8 million lamangang idineklara nito sa kanyang income tax return. Dagdag pa rito, nakumpirmarin ng BIR mula sa Viva Productions na kumita rin ng P2.3 million for the sameyear at P815,000 naman nila sa Star Cinema.

Pagkatapos ng halos tatlong taon ay ongoing pa rin ang kaso ni Judy Ann.Kaya naman kahit na marami siyang kinikita mula sa kanyang mga proyekto,malaking bahagi nito ang napupunta sa BIR.

"Always ‘yon, whatever projects that I make, endorsement o hindi, meronakong naka-allot for them. Kumbaga, itong parteng ‘to ng suweldo ko, hindi kona pakikinabangan ‘yan," pahayag ni Juday sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) ilang araw bago sila lumipad ni Ryan Agoncillo sa U.S. para sa premiereng Sakal, Sakali, Saklolo sa ilang key cities.

Hindi inililihim ng aktres kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya kaugnayng kaso sa BIR.

"Ayoko na lang isipin, pero ang hirap talaga ng may kaso, especiallygobyerno yung kalaban mo. Hindi na siya puwedeng i-settle kasi nasa CTA [Courtof Tax Appeals] na siya. Pangit mang pakinggan, I'm just expecting the worstthings that might happen. Kung guilty, e, di guilty. Kung kulong, e, di dalawinn'yo na lang ako!" natatawang sabi ni Juday, bagama't halata angpag-aalala sa kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Ayoko nang mag-expect... Pero siyempre, may konting expectationna I hope na maayos, na sana matapos na ‘to. Kung puwedeng i-settle, i-settlena. Kung hindi man, ang ipinagdadasal ko na lang, kung ano man ang maginghatol, buong-puso ko siyang matanggap. Kasi wala naman talaga akong magagawa,but to accept whatever things that might happen."

Bagama't may mga hearing sa highly-publicized tax evasion case, hindi siyapersonal na dumadalo.

"Kasi sasabihin naman nila sa akin kung kailan. Puwede namang hindi akomag-attend. Sasasabihin naman nila ako kung kailan ako magte-testify. Peroayoko na sanang umabot sa pagte-testify, kasi baka himatayin ako talaga ngbonggang-bongga! Hindi ko talaga siya kakayanin!"

Nilinaw ni Judy Ann na iba ang kaso niya kay Richard Gomez na nagkaroon dinng problema sa BIR.

"Yung kay Richard kasi, wala pa sa CTA. Ako yung unang celebrity napumasok sa CTA. Sabi nga nila, gusto nila ipakita sa mga tao na walangsinasanto ang BIR. Nagkataon lang na ako yung nabunot!" natatawa niyangpaliwanag.

Ayon pa kay Juday, bagama't hindi man direktong nakaapekto sa kanyang careerang kaso niya sa BIR ay mahirap pa rin para sa kanya ang magkaroon ng ganitongklaseng problema.

"Hindi naman talaga naapektukhan," sabi niya. "It's just thatnakaka-torture isipin na biglaan kang nagkakaso, to think na hindi mo namantalaga alam kung ano yung nangyari. Kasi batang-bata ka pa nun, e, wala kangkamuwang-muwang kung ano yung mga responsibility mo na dapat mong gawin.

"Kung may mali man ako, tinatanggap ko naman. Hindi ko naman dintatakbuhan yung kaso. Nirerespeto ko naman kung ano man yung gusto nilangproseso na mangyari. Kasi gobyerno ‘yan, e, wala naman akong kalaban-labandiyan," pahayag ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN