Jinkee Pacquiao shrugs off controversial photos of Pacman

"Ewan ko kung bakit pa nila inilabas ‘yon. Basta ako, tinanong ko siManny at sinabi niya na wala naman daw ‘yon. Nagkakatuwaan lang silathat night at marami naman siyang kasamahan na magpapatunay nanagkakatuwaan lang sila," says Jinkee Pacquiao about the controversial photos of Manny Pacquiao dancing with another woman.



Sa paglipad ni Manny "Pacman" Pacquiao noong nakaraang Lunes, January 14, patungong Las Vegas, Nevada, ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao. Tinanong namin siya tungkol sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanyang sikat na mister.



Kailan lang ay may mga kumalat na litrato sa Internet, kung saan may kasama si Manny na ibang babae habang sumasayaw sila sa Embassy Bar. Sabi ni Jinkee ay alam daw niya ang tungkol mga litratong ito dahil tinanong niya si Manny ukol dito.



"Matagal na yata ‘yon," sabi ni Jinkee. "Ewan ko kung bakit pa nila inilabas ‘yon. Basta ako, tinanong ko si Manny at sinabi niya na wala naman daw ‘yon. Nagkakatuwaan lang sila that night at marami naman siyang kasamahan na magpapatunay na nagkakatuwaan lang sila.



"Siyempre, si Manny ang paniniwalaan ko. Mahal niya ako at ang mga anak namin. Hindi ang mga litratong ‘yon ang makakasira sa samahan namin. Ganyan kami katibay ni Manny," mariing pahayag niya.



Aminado si Jinkee na dumaan na ang pagsasama nila ni Manny sa mga matitinding pagsubok. Ilang beses na raw siyang lumuha dahil sa mga problema nila. Pero nananatili pa rin silang matatag sa kabila ng mga gustong sumira sa pagsasama nila.



"Ganyan naman talaga, e. Kapag okay ang samahan ng isang mag-asawa, may pilit na naninira. Siguro sanay na nga ako, sanay na rin si Manny. Wala kaming choice kundi tiisin na lang. May mga anak kami kaya hindi kami puwedeng magpaapekto parati sa mga intriga," paliwanag niya.



Samantala, ikinuwento ni Jinkee na noong nakaraang birthday niya ay sa U.S. sila pumunta ni Manny at niregaluhan siya ng isang mamahaling Rolex watch ng kanyang asawa.



"Namamasyal kami ni Manny noong makita ko yung relo sa isang store. Sabi ko na ‘yon ang gusto kong regalo sa birthday ko. Nagulat ako nang bigla niya kaagad bilhin para sa akin. Gano'n daw niya ako kamahal kaya binili na niya bago pa may ibang makabili," nakangiting lahad ni Jinkee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sinabi rin ni Jinkee na susunod siya sa Las Vegas a week bago ng laban ni Manny kay Juan Manuel Marquez sa Mandalay Bay on March 15. Ngayon pa lang daw ay humihingi na ng mga dasal si Jinkee para sa muling tagumpay ni Manny sa laban na ito.



"Nagdarasal kaming lahat at sana ipagdasal nating lahat si Manny na maiuwi niya ulit ang tagumpay para sa Pilipinas. Lagi na lang kapag may laban si Manny ay nandoon ang kaba ko. Pero naniniwala ako na magiging maayos naman ang lahat. Kaya nga lilipad ako doon para masuportahan siya nang buung-buo," pagtatapos ni Jinkee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN