First team-up of Piolo Pascual and Angel Locsin will finally air after many delays

After a long wait, the first primetime series of Piolo Pascual and Angel Locsin in ABS-CBN, Lobo, will start airing on January 28.



Pagkatapos ma-delay ng kung ilang beses, finally ay matutuloy na ang pagpapalabas ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Lobo, na unang pagsasama nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa telebisyon. Ito rin ang kauna-unahang soap opera ni Angel after niyang lumipat mula sa Kapuso network papunta sa Kapamilya.

Magsisimulang mapanood ang Lobo sa January 28.

Ang isa raw sa dahilan kung bakit palaging napu-postpone ang pagpapalabas sa Lobo ay dahil nagkasunud-sunod din ang mga shows na ipinapalabas ng ABS-CBN simula nang pumasok ang taong 2008.

Sa pamamagitan din ng Lobo, dito mahuhusgahan nang husto kung may hatak pa nga ba sa viewers si Angel. Matagal kasi siyang hindi napanood sa primetime pagkatapos ng kanyang huling show sa GMA-7, ang Asian Treasures, at naging negatibo para sa marami ang dating ng paglipat niya sa ABS-CBN.

Pero ayon sa isang insider na konektado sa produksiyon ng Lobo, natutuwa raw sila dahil maganda ang initial reception sa bagong tambalan nina Piolo at Angel. Sa mga out-of-town promo raw kasi ng dalawa ay magaganda ang response ng mga tao. May mga natatanggap na rin daw silang requests for out-of-town shows na ang demand ay sina Piolo at Angel ang magkasama.

Ayon pa sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), masaya raw maging ang mga kapatid ni Angel dahil sa nakita nilang improvement sa acting ni Angel. Ngayon daw kasi ay nakakaya na nitong paartehin at paganahin ang emosyon niya mula sa kanyang mga mata.

Pero siyempre, ang mga bagay na ito ang aabangan at siyang huhusgahan ng mga manonood kapag umeere na ang Lobo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN