Roxanne Guinoo insists she and boyfriend Jake Cuenca are "sobrang okay"

Roxanne Guinoo repeatedly answers, "Okay kami.Basta okay kami," to the nagging questions of the press about the status of herrelationship with boyfriend Jake Cuenca.


Kahit na bahagyang nahuli si Roxanne Ginoo sa press conference ng Paloskahapon, January 17, hinintay pa rin siya ng entertainment media upang humingi ngpaglilinaw sa ilang isyung nakadikit sa kanya. Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant, ABS-CBN compound, Quezon City.

Unang-una na rito ang tunay na status ngayon ng relasyon nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca. Ngunit bigo ang press na makuha ang totoong status dahil tanging, "Okaylang kami," ang laging sinasagot ng dalagang aktres.

Sa ngayon daw napag-usapan na nilang magkasintahan namag-focus muna sila sa kani-kanilang mga trabaho.

Bida si Jake sa action-teleserye na Palos habang siRoxanne ay sa pilot episode lang mapapanood. Kinakailangan daw siyang i-pull-out ng ABS-CBN Management upangmaging parte ng sine serye na Susan Roces Cinema Collection titled Florindaat isa pang teleserye kasama si Claudine Barretto.

"Gaya nga ng sabi niya [Jake], ‘Okay na okay kami.' Ayaw naming masayang 'tong opportunity saamin, e. Nagbida na siya sa Palos sotalagang make or break na ito sa kanya. And ito nga, kapalit ng Palos sa akin yung soap with Ms.Claudine dahil fan talaga ako ni Claudine."

ATTITUDE PROBLEM. Isa sa mga lumabas na isyu noon ay ang paghihiwalay nila ni Jake atisang dahilan daw nito ay sobrang pagiging selosa ni Roxanne.

Ngunit agad itong nilinaw ni Roxanne. Aniya, "Lahat naman ng tao marunongmagselos, di ba? Lahat ng mga bagay nanangyayari, may rason 'yan and hindi naman ako magseselos nang walang rason. Siguro kung talagang ganun ang situwasyonbaka talagang hindi kami okay ni Jake ngayon, di ba?"

Dagdag pa ni Roxanne, "Masaya kami, e. Ang gulo naman, nandiyan lang yan everyday,nasa nagha-handle na lang yan."

Gayunman, hindi itinanggi ng Palos actress na kahitpapaano ay nakaapekto din sa kanilang relasyon ang trabaho nila. Aniya, "Kasi ang sa amin naman everydaynaman din kaming nag-uusap so yun lang talaga malaking factor lang din kasiheto na kami, e, may kanya-kanyang career na kami. Hindi naman maiwasan na nakaapekto yun. Naha-handle naming dalawa, basta okay kaming pareho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIVING INDEPENDENTLY. Sa interview ng press, naikuwento rin ni Roxanne na livingindependently na siya ngayon. Kamakailan ay lumipat na siya sa isang condo unit sa Quezon Citykasama ang kanyang best friend.

Bunsod diumano ito ng pagka-hectic ng kanyang schedule satrabaho. Paliwanag ni Roxanne, "Kailangan ko rin kasi mag-uwian [sa Cavite]kung segue-segue ka. Hindi naman akonag-solo nang walang nagbabantay sa akin."

Si Mr. Johnny Manahan, pinuno ng StarMagic, diumano angtumulong sa kanya sa paghahanap ng matitirhan. Closely monitored din daw siya ni Mr. Manahan at ng ilang taongnamamahala sa kanya. Sa katunayan,malapit lang daw ang kanyang tirahan sa handler niya.

Masaya naman daw si Roxanne ngayong nakapagsarili nasiya. Ani Roxanne, "At least now, 22[years old] na ako, alam ko na kung paano i-handle yung mga finances, alam kona yung goal ko this time."

Gayundin, mas pag-iigihan daw ni Roxanne ang kanyangtrabaho ngayong taong 2008. Kuwentoniya, "Focus ako kasi gusto ko nang mag-invest, e. I mean, parang for me, nag-start ako 17 years old pero parang,for me, ito yung start ng career ko. Tumigil ako sa pag-aaral pero ito yung blessings.

"Talagang hahatawin ko kasi ako na lang bumubuhay sa sariliko, expenses, sa lahat, binabayaran ko, galing talaga sa trabaho ko."

Sa kanyang pagsasarili at paglipat ng bahay, hindi banatatakot si Roxanne na baka lumabas naman ang issue ng "live-in" sa kanila niJake?

"Ay, hindi. Hindinaman," sagot ni Roxanne. "Noong timekasi na lumipat ako doon, si Jake naman dumadalaw din, e. Open naman, may right naman siya na pumuntadoon.

"Boyfriend ko yun so yung mga tao na lang naman angnag-iisip ng [iba]. At saka as long as[we're] happy. Masaya kami basta hindina lang namin pinapabayaan ang trabaho namin."

ISSUES WITH MOM. May mga lumabas din noon na minsang nagrereklamo na diumano siRoxanne sa pagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Naging sanhi pa daw ito nghindi pagkakaunawaan nila ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ng dalagangaktres. Ayon kay Roxanne, hindi namansiya breadwinner ng pamilya. "Kasitatay ko sa airline nagwo-work and may business kami sa Cavite and ako naman,yung kinikita ko para sa akin na yun, e," pahayag ni Roxanne.

Dagdag pa niya, "Kahit hindi naman ako mag-artista mabubuhaykami kasi marunong sa buhay ang mga magulang ko. Yun lang talaga na dito ako napunta, ito yung path na napuntahanko. Minahal ko yung trabaho ko.

"Okay kami ni Mama. Once in a while nauwi naman ako doon [Cavite], kapag may time ako, doonako nag-i-stay."

Sa kabila ng mga isyung ipinupukol kay Roxanne, matapang parin niyang hinaharap ang press at laging handang sumagot sa mgatanong. Isa lang ang malinaw sa kanyangayong taon, "Alam ko na yung mga priorities ko. Ang goal ko nga dapat this year ipu-push ko na yung sarili kokasi twenty-two na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN