Nadine Samonte talks about hot scenes with Polo Ravales in "Maging Akin Ka Lamang"

"Walang problema kay Emerson kasi alam niyang trabaho lang ang ginagawako. Alam naman niya kung saan siya lulugar. Kapag trabaho, alam niyangfocus ako doon. Pero kapag oras ko naman sa relasyon namin, doon namanako naka-concentrate," says Nadine Samonte about her sizzling scenes in Maging Akin Ka Lamang.



Aminado si Nadine Samonte na seloso ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua. Pero tanggap naman daw nito ang trabaho ni Nadine bilang artista, lalo na't hitik sa halikan at romansa ang bagong afternoon soap opera ni Nadine sa GMA-7 na Maging Akin Ka Lamang.

Kuwento ng young actress, first taping day pa lang daw niya ay may kissing scene na kaagad sila ng leading man niyang si Polo Ravales. Sa mga susunod na mga eksenang kukunan ay lalabas na mag-asawa na sila kaya hinahanda na raw si Nadine sa mga magiging intimate scenes niya with Polo.



"Mamamaga yata ang labi namin ni Polo dahil sa drama na ito!" sabay halakhak ni Nadine. "Lagi nila kaming pinaghanda ni Polo sa kissing scenes. Natatawa na lang kaming dalawa. Mabuti na lang at okay si Polo. First time ko siyang maging leading man at kumportable na ako sa kanya agad."



Naisip ng iba na baka pagsimulan ng matinding away ang naturang drama show sa relasyon ni Nadine sa kanyang non-showbiz boyfriend. Pero laking pasalamat ni Nadine na open-minded ang kanyang boyfriend.



Sabi niya, "Yun din naman ang iniisip ko na baka nga mag-away kami because of the scenes with Polo. Kahit naman siguro ako, magseselos din kung makita ko si Emerson na may ibang babaeng kahalikan, di ba?



"Walang problema kay Emerson kasi alam niyang trabaho lang ang ginagawa ko. Alam naman niya kung saan siya lulugar. Kapag trabaho, alam niyang focus ako doon. Pero kapag oras ko naman sa relasyon namin, doon naman ako naka-concentrate," pahayag ng StarStruck 1 Avenger.



Hinihintay na rin ng marami ang pag-pose ni Nadine sa FHM magazine. Ang mga ka-batch niyang sina Katrina Halili, Cristine Reyes, at Jennylyn Mercado ay naging cover girls na ng naturang magazine. At never naman siyang nawawala sa Top 100 Sexiest Women ng FHM taon-taon. Kailan kaya niya pagbibigyan ang mga gustong makita ang maganda niyang katawan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ay, hindi pa puwede!" tawa ni Nadine. "Hindi ko pa kaya talaga. Wala pa akong maipapakita. Siguro konting panahon pa baka mapapayag ako. Sa ngayon kasi, I feel na hindi pa ako ready. Hanga ako kina Jennylyn, Katrina, at Cristine kasi kaya naman talaga nila. Sexy na sila talaga. E, ako, wala pa talaga.



"Ipapakita ko na lang ang kaseksihan ko sa pagganap ko sa mga mature roles tulad dito sa Maging Akin Ka Lamang. Hanggang kissing scene at bed scene muna. One at a time, di ba?"



Sa hapon ng January 21 ang simula ng Maging Akin Ka Lamang sa GMA Dramarama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN