Francine Prieto’s lawyer defends her from estafa charge

Ayaw nang magsalita ni Francine Prieto (sa larawan) at ngkanyang ina na si Mrs. Amelita Falcon tungkol sa bintang na estafa ni BarbaraTolentino. May official statement na binigay ang kanilang abugado sa PEPtungkol sa naturang kaso na iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau ofInvestigation.



Nadamaysa usapin ng pera ang sexy star na si Francine Prieto (na ang real name ayAnna Marie Falcon). Ito ay kaugnay sa bintang na estafa ni Barbara Tolentinolaban sa ina ni Francine na si Mrs. Amelita Falcon.

Si Barbara ang alahera na nagrereklamo na tumalbog ang mga post-dated check na ibinayad ng mag-ina para sa mga alahas na binili sa kanya ng hulugan.



Sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mrs. Falcon, sinabi nito na sasagutin nila si Barbara sa korte dahil walang katotohanan ang akusasyon nito. Nilinaw ng ina ni Francine na P40,000 na lang at hindi P150,000 ang balanse sa utang na sinisingil ni Barbara.



Noong nakaraang linggo, nagreklamo si Barbara sa National Bureau of Investigation dahil tumalbog umano ang mga post-dated check na ibinayad ni Mrs. Falcon para sa mga alahas na binili mula sa kanya noong May 2007.


Disappointed kay Barbara si Mrs. Falcon dahil idinadamay sa isyu si Francine. Wala raw kinalaman ang kanyang anak sa kaso dahil siya (Mrs. Falcon) at hindi si Francine ang kausap ni Barbara nang bilhin niya ang mga alahas. Mga tseke rin ni Mrs. Falcon ang ginamit na pambayad sa alahera.


Walang balak ang mag-ina na patayin sa sindak si Barbara pero nakipag-usap na sila sa kanilang abogado para sa demanda na ihahain nila sa korte laban sa alahera.


Ipinadala sa PEP ni Atty. Rommel Oliva ang official statement ng kanyang mga kliyente tungkol sa kaso. Si Atty. Oliva ang legal counsel nina Francine at Mrs. Falcon. Ito ang kanilang statement, published in full:

"To set the record straight, my client, Ms. Francine Prieto denies any involvement in the transaction that led to the filing of a complaint for Estafa against her by a certain Barbara Tolentino before the National Bureau of investigation (NBI).

"We are now discussing the appropriate legal measures we will take against Ms. Tolentino to protectMs. Prieto's interest. And since the matter is now with the NBI, we deem itappropriate to answer all of Ms. Tolentino's allegations in said forum."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN