Dennis Trillo takes negative forecast about his career with chin up

"Hindi naman natin dapat isipin na parang ganoon na nga ang mangyayari.Mas maganda siguro na gawin natin ang lahat ng magagawa nating magandapara mapabuti ang trabaho, di ba?" says Dennis Trillo about a prediction that his showbiz career will be "shaky" this year.



Kahit medyo nakakakaba ang prediction sa career ni Dennis Trillo ngayong 2008, tila hindi pa rin natitinag ang matinee idol. Ayon kasi sa isang episode ng Mel & Joey, na-predict ng isang manghuhula na magiging "shaky" ang career ng multi-awarded actor ngayong Year of the Rat.

Ayon kay Dennis, nabigla raw siya sa hula sa kanya, pero hindi naman niya ito masyadong didibdibin. Bagkus ay ituturing niya raw ito na isang paalala at lalo niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho.

"Hindi naman natin dapat isipin na parang ganoon na nga ang mangyayari. Mas maganda siguro na gawin natin ang lahat ng magagawa nating maganda para mapabuti ang trabaho, di ba?" pahayag ni Dennis.

Sa katunayan, excited si Dennis sa pagpasok ng 2008. Ngayon pa lang kasi, marami na raw promising projects na dumarating sa kanya. Sa Pebrero, tutulak si Dennis patungong Las Vegas, Nevada , at sa dalawang cities sa California kung saan magkakaroon siya ng concert para sa GMA Pinoy TV. Kasama niya rito sina Jolina Magdangal at Yasmien Kurdi.

Natutuwa rin si Dennis dahil ngayong taon daw tila matutuloy na ang pelikulang makakasama niya si Marian Rivera, ang kapatid niya sa manager nilang si Popoy Caritativo.

"Nagkasama na kami dati, pero iba ito ngayon. Siyempre, sobrang sikat na ni Marian ngayon dahil sa Marimar. Iba yung makakasama ko siya sa isang pelikula ngayon," sabi ni Dennis.

Pero magpahanggang ngayon ay inaasahan pa rin ni Dennis na magagawa niya ang isang dream role niya. Naging vocal siya dati na gusto niyang gumanap sa isang role na off-beat, isang role na malayo sa kanyang clean, boy-next-door image ngayon.

"Even before, gusto ko yung mga dark roles, yung pumapatay," sambit niya. "Target ko yun this year na sana magawa ko ang isang movie na ganoon. At saka sana isang movie na commercial. Then, baka mag-indie rin kami this year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta rin namin kay Dennis ang pagiging ama niya sa anak nila ni Carlene Aguilar na si Calix Andreas. Biglang nagliwanag ang mata ni Dennis nang ikuwento niya ang pagbili niya ng Christmas gift para sa kanyang anak. Personal niya raw na pinili ang Fisher Price baby drum set para sa kanyang baby.

"Maganda siya kasi maraming tunog, kaya yun ang napili ko. Nakakapanibago dahil kasi ‘pag nagpupunta ako sa toy store, dati ang binibili ko, para sa akin. Ngayon, iba yung feeling, alam ko para sa anak ko kaya pipiliin mo talaga pinakamaganda," masayang kuwento ni Dennis.

Mas maayos na rin daw ang relasyon ni Dennis kay Carlene ngayon. Naging magkaibigan na sila matapos ang kontrobersiya nung isang taon. Halos araw-araw na rin daw niyang nakikita ang kanyang anak.

Maging si Cristine Reyes na minsang naiugnay kay Dennis ay naging kaibigan na rin ng matinee idol. Nagkausap na rin daw sila at napagdesisyunan na mas magandang maging magkaibigan na lang sila.

"Sana magtuluy-tuloy na ganito. Yung maayos para sa lahat," pagtatapos ng Zaido star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN