Rafael Rosell plays the devil in "Maligno"

"Very bad ang character ko rito, it's the darkest I have portrayed sofar. I have to look very menacing kapag gumagawa ako ng katarantaduhan," says Rafael Rosell about his character in Maligno.



Abalang-abala sa paligid ng location ng bagong ABS-CBN horror series, ang Maligno, sa T. Gener Street, Kamuning, Quezon City, nang bisitahin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina, January 21. Nadatnan namin doon si Rafael Rosell na nag-i-internalize ng kanyang nakapangingilabot na role bilang demonyo.



"This series is about the philosophies of anti-Christ," panimula ni Rafael. "Ang role ko rito, ako yung devil na gagawin ang lahat to make these philosophies happen."



Maski si Rafael ay nangingilabot sa mga eksena niya sa bagong teleserye na papalit sa Patayin sa Sindak si Barbara ni Kris Aquino.



"It's a reunion with Claudine [Barretto], who's the lead in this series. Nagkasama na kami before sa Marina. Nag-mature na nang husto si Claudine, and it's because of motherhood. Noon kasi, dalaga pa siya. After every take namin, chika ‘tapos nakikinig kami ng music together.



"Ngayon, it's different. We still get to talk, kaya lang serious stuff na. I understand, kasi iba na yung level niya na may asawa na at anak. Minsan, nagpupunta si Raymart [Santiago, Claudine's husband] sa location para dalawin at sunduin si Claudine," kuwento ni Rafael.



Ayon pa kay Rafael, wala silang love angle ni Claudine sa Maligno. Ang kaugnayan ng character ni Claudine kay Rafael sa teleseryeng aabangan muli sa ABS-CBN ay bordering on horror and violence.



"I will rape Claudine here," sabi pa ni Rafael. "Very bad ang character ko rito, it's the darkest I have portrayed so far. I have to look very menacing kapag gumagawa ako ng katarantaduhan."



Pang-TV lang ang Maligno, pero sabi ng direktor nitong si Wenn Deramas, may semi-nude scenes dito si Rafael, including pumping scenes when his character is raping Claudine's.



"Kahit naman pang-TV, may limitations, but it has to be done realistically," sabi ni Rafael. "We're all professionals, so I don't think there will ever be a problem. I have nude scenes in the series, but I trust Direk Wenn so much. Alam kong maganda ang kalalabasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Abut-abot din daw ang ginagawang pagdarasal ni Rafael para sa role niya rito, para lang mailayo siya sa kung anumang negative vibes na puwedeng mahikayat sa pagganap ng ganitong klaseng role.



"As in, demonyo ako rito!" naiiling na sabi ni Rafael. "Lagi naman akong nagdarasal, e. Ugali ko na 'yan. Sa gabi, bago matulog, pagkagising din, I pray. Lalo na ngayon. I have to seek the Lord's guidance para sa ginagawa kong ito. I pray that He protects me from harm.



"Iniisip ko na lang na parang Conspiracy Theory [Hollywood movie starring Mel Gibson and Julia Roberts] ito, na yung character ko, namo-motivate lang ng hindi matinong pag-iisip. That's the technique I have to use, although hindi naman ganoon 'yon. Kasi kung ipapasok ko sa sarili ko ang demonyo, baka maapektuhan ako, at baka kung ano pa ang mangyari," paliwanag ng aktor.

Masuwerte ang pasok ng 2008 kay Rafael. Bukod sa Maligno, retained ang character niya sa pagpapatuloy ng Prinsesa ng Banyera. That makes two regular shows for Rafael. Isang daytime drama, isang pang-primetime.



"So far, I'm so happy kasi nakakaipon ako. I may buy a new car before the year ends. 'Pag gumanda pa ang takbo, I can plan for buying a house and lot. It's okay naman to dream, basta sana magpatuloy ang ganitong blessings, na hindi ako nawawalan ng trabaho," pagwawakas ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN