GMA News reporter-movie director Cesar Apolinario acclaimed by his hometown

Banal director and GMA News reporter Cesar Apolinario gets another recognition, this time from the local government of San Mateo, Rizal.



First time na nagbigay ng pagkilala ang local government ng San Mateo, Rizal, sa mga homegrown talents nito. Ang pinalad na makakuha ng parangal ay ang bagong direktor at GMA News reporter na si Cesar Apolinario. Bunsod ito ng kanyang pagkakapanalo bilang pinakamagaling na direktor sa nagdaang Metro Manila Film Festival para sa debut film niyang Banal.

Naganap ang awarding ceremony kaninang alas-otso ng umaga, January 21, sa City Hall ng San Mateo, Rizal. Naroon ang karamihan ng mga opisyales at empleyado ng San Mateo.

Ayon sa mayor ng San Mateo na si Jose Diaz, isang magandang halimbawa ang buhay ni Cesar para sa kanyang mga nasasakupan. Inspirasyon din ito para sa mga kabataan ng San Mateo. Mahirap din daw gampanan ang pagiging direktor na kasabay ng demanding niyang trabaho bilang isang mamamahayag.

Dumaan sa tatlong reading at matinding deliberation bago naipasa ang resolution ng San Mateo local government na nagbibigay ng parangal kay Cesar.



Ayon naman kay Cesar, isang napakalaking hamon ang makatanggap siya ng ganitong karangalan.

"I am equally challenged and proud for having received such recognition. This takes me, nonetheless, to improving my craft both as a reporter and a director," pahayag ng director-reporter.

Dagdag ni Cesar, hindi raw siya titigil sa pagiging reporter. Kasabay nito ang conceptualization stage ng kanyang susunod na pelikula.

"This will be an indie film about indigenous people," pagbabahagi ni Cesar ng kanyang susunod na film project. "I want to show their struggle in the big city. I already have the plot and how the shots would go. I just had a meeting with the producers last week. They were very excited about the project. If all goes well, I think I have another festival entry.

"Aside from that, I have a film collaboration with fellow GMA News reporter Jiggy Manicad and his fiancee, director Marnie Pulumbarit. The story is about the present situation in the bureau of corrections. It will be shot this year and we are hoping it will be included in our country's entries to film festivals abroad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN