Wowie de Guzman makes a comeback via "Kung Fu Kids"

"Kapag nadapa ka, tayo lang. And dasal, and family, huwag ka langmakakalimot sa Diyos, huwag mong kakalimutan yung pamilya mo," says Wowie deGuzman about the lessons he learned from his failure in showbiz.


Masayang ibinalita ng aktor na si Wowie de Guzman angkanyang pagbabalik-showbiz sa tulong ng kanyang bagong manager na si AlfieLorenzo.

Sa press conference ng Kung Fu Kids kaninang tanghali, January23, naikuwento ng dating miyembro ng dance group na Universal Motion Dancers angkanyang desisyon na magbalik sa showbiz.

Ayon kay Wowie, siya ang lumapit sa talent manager na siAlfie Lorenzo upang tulungan siya na magkaroon muli ng proyekto sa pag-arte satelebisyon.

Aniya, "Ako po yung lumapit kay Tito Alfie. May nagsabi lang sa akin na, ‘Gusto kangmakita ni Tito Alfie, parang gusto kang i-manage, e.' So, ang ginawa ko,tinawagan ko si Tito A, 'tapos pinuntahan ko siya sa Pampanga. 'Tapos nagpakita nga ako, 'tapos yun,hinawakan niya nga ako.'"

Matatandaan na naging isa sa pinakasikat na teen stars si Wowie magmulanang gawin niya ang soap opera na Mara Clara, kung saannakatambal niya angdati niyang ka-loveteam at dating kasintahan na si Judy Ann Santos—na incidentally ay prime talent din ni Alfie.

Inamin ni Wowie na labis niyang pinagsisisihan angpagpapabaya niya sa kanyang showbiz career noong panahon ng kanyangkasikatan. Sabi niya, "Of course,pinagsisisihan ko talaga. Kumbaga, parang na-reach ko na yungpinaka-peak, biglang pinabayaan ko, e."

Isang dahilan na nabanggit ng 32-year-old na aktor ay depression. Kuwento niya, "Well,na-depressed po ako. Nasa depression stage talaga ako noon kasi parang biglangnatanggal ako sa mga shows, wala nang kumukuha sa akin. Unti-unting wala nang kukuha sa akin."

Dahil dito, naungkat ang bali-balita noon na kaya lumamlam ang kanyang career dahil sa napabalitang nalulong siya sa drugs.

Agad naman itong pinabulaanan ni Wowie. Depensa niya, "Sinabi naging drug-addict dawako, gumamit ako ng drugs, hindi po totoo yun. Pero hindi ko naman po idine-deny na tumikim po ako. Pero never po akong nalulong sa drugs."

REMEMBERING JUDY ANN. Ngayong hawak na ng talent manager na si Alfie ang career ni Wowie,bukas ba ang aktor na muling makapareha si Judy Ann?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Wowie ay okay lang naman daw ang makatrabaho muli si Juday, pero hindi ibig sabihin nito na may posibilidad na subukanniyang balikan ang dating kasintahan. Dagdag pa niya, "Tagal na po 'yon, e, at saka mukhang happy naman na si Juday kayRyan."

Payag din naman si Wowie na makatrabaho ang currentboyfriend ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo. Sa katunayan, wala raw magiging problema kung magsama sila saisang proyekto.

Paliwanag ni Wowie, "With Ryan, walang problema kasi si Ryanpo kakilala ko na siya. Commercialmodel pa lang siya, kilala ko na siya. Although hindi naman kami talaga ganun ka-close pero na-meet ko na siyabefore, 1998 pa 'ata yung time na na-meet ko siya. So wala akong problem with Ryan."

LOVING THE THEATER. Nangmawala si Wowie sa showbiz, ginamit niya ng kanyang kakayahan sa pag-arte sateatro. Naging aktor siya ng GantimpalaTheater Foundation at naging karakter sa mga stage plays tuladng Florante at Laura, Ibong Adarna, El Filibusterismo, Noli Me Tangere, TheBomb, Alikabok, Loren Ruiz, Romeo Loves Juliet, at Perlita ng Silangan.

"Malaki ang naitulong ngteatro sa akin kasi ang dami kong natutunan, e. At saka yung mga characters na offbeat at saka nagkaroon ngchance na kumuha ng mga projects na ganun," pahayag ni Wowie.

Sa kanyang pag-arte sa entablado, hindi ba siya nanibago?

"Para sa akin, pareho lang sila [acting in showbiz and intheater]," sagot ni Wowie. "Malaki angrespeto ng mga taga-teatro sa mga artista kasi sila hindi nila kaya yung... Mayiba, yung mga nakausap ko lang ha, hindi nila kayang mag-memorize ng script 'tapos aarteng bigla sabayiiyak. Doon sila parang, ‘Paano n'yonagagawa 'yon?' Kami namang mgaartista, ‘Paano n'yo name-memorize, 'yan?' Yun pala one month rehearsal."

Dagdag pa ng nagbabalik-showbiz na aktor, "Ang bilis kongmag-adjust, e, kasi nga one month rehearsal. Ang naging problem ko lang is my voice kasi sanay ako na subtle langyung acting and then ang audience mo five thousand, three thousand, so kahit na may lapel ka, kailanganmalakas pa rin [ang boses]. At saka angnaging problema ko noon, napapaos agad ako. So siguro mga first four shows namin, doon ako nagkaroon ng problema. Hanggang sa [may nagsabi], ‘Wa, ganito yungtechnique sa diaphragm.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pag-arte, marami pa raw ibang bagay na natutunan siWowie nang mag-umpisa siyang mag-teatro.

Aniya, "Malaki ang pasasalamat ko sa theater, e. ang dami kong natutunan, gumawa ako ngposter, natututo akong gumawa ng AVP [audio-visual presentation] sa computer,'tapos minsan sumusulat ako ng script na ipapaayos ko lang sa mga friends ko nawriter. Yun yung naging bread andbutter ko."

BACK TO SHOWBIZ. Bagama'tunti-unti nang nagugustuhan ni Wowie ang trabaho sa teatro, hindi namanmaiwasan ng aktor na muling piliin ang pag-aartista sa showbiz forfinancial reasons.

Ani Wowie, "Sa stage kasi, financially, hindi ganun kalakiang kikitain mo. Hindi naman akomayaman o ano. So after ko mawala,siyempre financially, naubos na unti-unti. Kapag iku-compare mo ang theater sa TV, malaki ang layo."

Inamin din ni Wowie na baka mag-lie low muna siya sapag-arte sa entablado at muling mag-focus sa kanyang showbiz career.

Paliwanag niya, "Magla-lie-low muna ako sa theater kasiparang... Kumbaga, sabi kasi ni Tito A,‘Ano ba?' Parang once in a lifetimelang na bumalik yung opportunity na ganito, di ba? Doon ka na sa taas dati 'tapos naranasan mo nang bumaba.

"Masarap yung pinapalakpakan ka, okay, masarap yung pinupurika. Pero financially, okay ka ba? Kung mayaman lang ako, okay lang sana pero,e hindi naman ako ganun at breadwinner pa ako.

"So nung time na nagkaroon ng opportunity na ganito, nasinabi ni Tito Alfie na, ‘O, halika na, ipapasok na kita,' [sagot ko], ‘Sige,Tito.' So kahit mahal na mahal ko yungteatro, kailangan [mag-lie low]. Peropuwede pa naman, e, I'm sure makakagawa pa rin ako."

Hindi na talaga pinalagpas ni Wowie ang oportunidad namakabalik sa showbiz nang ibalita ito sa kanya ng kanyang manager. Aniya, "Yung ganitong klaseng chance angopportunity na ibinigay ng [ABS-CBN], hindi mo puwedeng palagpasin especiallyngayon ang dami mong kakumpitensiya, ang daming puwedeng gumawa ng role ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
At sa kanyang pagbabalik, umaasa si Wowie na, "Sana potuluy-tuloy na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN