Jomari Yllana happy that Pops and Martin are talking again

"Ako, masaya ako sa pagkakabati nila. Atsaka, kapag meron namang mag-asawang hindi nagkakasundo, angpinaka-naaapektuhan diyan ay ang mga anak," explains Jomari Yllana about the reconciliation of girlfriend Pops Fernandez and her ex-husband Martin Nievera.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jomari Yllana sa grand presscon ng Palos kagabi, January 22, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, unang bungad ni Jomari sa press ay pagod siya. Aniya, hindi raw madali ang manggaling sa isang serye tulad ng Lastikman at ngayon ay nasa Palos naman siya.

Pero nilinaw ni Jomari na wala siyang reklamo or anumang hinaing. Natural lang daw na nakakapagod ang sunud-sunod na trabaho pero masarap naman ito.

Kung kontrabida siya sa Lastikman, na magtatapos na this week, another kontrabida role ang ginagampanan niya ngayon sa Palos—si Alessandro na director ng Neptune Agency.

From being a leading man in the past in most of his projects, hindi ba siya natatakot na ma-typecast ngayon bilang kontrabida?

"Para sa akin, marami pa rin akong hindi nagagawa na gusto kong gawin," sabi ni Jomari. "Minsan nabibigyan ka ng pagkakataon na tanungin sa ‘yo mismo ng boss mo kung ano yung gusto mong gawin. ‘Tapos, bigla na lang parang magic na humaharap sa ‘yo ang mga projects na gusto kong gawin.


"So, I don't mind doing mga kontrabida na roles. Gustung-gusto ko na gumagawa ng mga kontrabida roles and I believe na kahit ano ang iharap sa akin na alam ko na kaya ko namang gawin, gagawin ko. Ma-typecast ako or ano, okay lang, I don't mind," pahayag ng aktor.

Tinanong din ng PEP kay Jomari kung hindi ba niya nami-miss ang lead roles, lalo pa nga't ang dami ring nakapansin na mas guwapo at mas maganda ang pangangatawan niya ngayon.

"Well, siyempre, nakaka-miss gumawa ng pelikula. Kung maibigay sa akin ang isang pagkakataon, yung role na ‘yon, magiging masaya rin ako," sambit niya.

POPS-MARTIN RECONCILIATION. Madali rin kausap si Jomari. Hangga't masasagot niya ay sasagutin at sasagutin niyang talaga ang anumang katanungang ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa, hindi maiwasang hindi siya mahingan ng reaction sa balitang pagkakabati ng kasintahan niyang si Pops Fernandez sa dati nitong asawa na si Martin Nievera. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ako, masaya ako sa pagkakabati nila," sinserong sagot ni Jomari. "At saka, kapag meron namang mag-asawang hindi nagkakasundo, ang pinaka-naaapektuhan diyan ay ang mga anak.

"Masaya ako para sa kanila. At saka hindi naman ako anak, e," natatawang biro niya.

Ayon kay Jomari, masaya raw siya na nagkakausap na sina Pops at Martin at napag-uusapan na nila ang mga dapat nilang pag-usapan, especially concerning their children.

Isine-share din ba ni Pops kay Jomari kung ano ang napag-uusapan nila ni Martin o kung nanghingi rin ba ng advice si Pops sa kanya kung tama na ngang makipagbati ito?

Paliwanag ni Jomari, "Kami kasi ni Pops, kapag magkasama kami, walang katapusan ang mga pinag-uusapan namin. Pero parang enjoy na enjoy kaming nag-uusap. Pero kapag sa mga personal na bagay, matured enough na kami na hindi pagbawalan or magpaalam sa isa't isa kung tama ang ginagawa ng isa o hindi.

"Sa advice, matagal na akong nagbigay sa kanya noong hindi pa sila nagkakasundo. Ang advice ko lang naman sa kanya noon pa man is mag-usap sila."

Natawa lang si Jom at sabay sabi na "ang babaw" nang may magtanong kung hindi raw ba siya nakakaramdam ng insecurities ngayong nagkabati na sina Pops at Martin.

Malabo rin daw na manood si Jomari ng nalalapit na concert ni Martin sa Araneta Coliseum. Pero hindi na siya nag-elaborate kung bakit hindi siya manoood.

Isa ba sa dahilan ay hindi kasi siya "fan" ni Martin?

"Fan naman ako ni Martin, I love the songs of Martin. Pero huwag na lang, baka mainggit lang ako. Siyempre, Concert King!" natatawang sabi ni Jomari.

Hindi pa naman daw sila nagkikita ni Martin kaya hindi pa niya masagot ang tanong kung okay na ba silang dalawa or hindi. Kung magkita man sila, "binabati ko naman ang lahat ng tao" ang sagot niya nang tanungin kung sino sa kanila ang dapat na maunang bumati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Hindi ko kasi alam kung paano ang pagkikita namin. Pero wala naman akong mabigat na dinadala sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya. Walang kaproble-problema sa akin."

Wala rin daw problema kay Jomari kung patuloy pa rin ang tandem nina Pops at Martin. Tanggap na raw niya ‘yon.

"Forever na talaga ‘yon. Yung King at saka Queen, isang pares lang ‘yon. Sa generation natin, sila lang ang [Concert] King and Queen at forever na ‘yon maa-identify sa kanila," pagtatapos ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN