Ogie Alcasid stages a Valentine concert minus Regine Velasquez

Ogie Alcasid (in photo) will stage a Valentine concert—My Funny Valentine—with Vernie Varga and Ai-Ai delas Alas on February 8.



First time pa lang makakasama ni Ogie Alcasid sa isang concert ang singer na si Vernie Varga kaya he's looking forward sa nalalapit nilang My Funny Valentine concert with Ai-Ai delas Alas. May special participation din si Diana Zubiri sa naturang concert na gaganapin sa February 8 sa Crowne Plaza Hotel Ballroom.

"Mahal ako ni Tita Annabelle kaya pang-third concert ko na ito sa Royale Era Entertainment. Ewan ko ba kung bakit ako mahal niyan," biro ni Ogie tungkol sa producer nilang si Annabelle Rama.

Sagot naman ni Annabelle: "Mahusay ka kasing performer at hindi umaalis ang mga tao, di tulad ng ibang naging guests ko na iniiwanan ng tao ang show. Ayokong mag-name-names! ‘Pag si Ogie ang performer ko, ‘More! More! lagi ang naririnig ko."

HAPPY TOGETHER. Kitang-kita kay Ogie na maligaya siya ngayon, kahit hindi niya kasama ang kasintahan na si Regine Velasquez sa presscon ng My Funny Valentine kagabi, January 22, sa Dulcinea restaurant sa T. Morato Ave., Quezon City.

Bakit wala silang Valentine concert ni Regine this year?

"Nag-decide kaming huwag munang mag-show together. Pero may mga charity shows kaming ginagawa. Sa February 14, may solo Valentine concert ako sa Iloilo, pero isasama ko siya, para magkasama kami sa Valentine's Day," pahayag ni Ogie.

May Valentine gift na ba siya kay Regine?

"Wala pa akong maisip," sagot niya. "Kabibigay ko pa lang ng pink Lady Cartier wristwatch sa kanya noong Christmas. Tinanong ko pa sa salesgirl sa Rustan's kung magugustuhan ‘yon ni Regine, oo naman daw. Actually, si Regine, hindi ‘yan mahilig sa gifts. Mas gusto niyan ang card, kasi daw mula sa puso ang nakasulat doon. Pero siyempre, di naman puwede na card lang ang ibigay ko sa kanya."

Ano naman ang Christmas gift sa kanya ni Regine?

"Mga robot ang hinihingi ko sa kanya, pero PS3 ang ibinigay niya sa akin. Alam niyang mahilig ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Ogie na last January 12 ay nag-show sila ni Regine sa Hong Kong at nagkaroon sila ng free time na mag-shopping bago bumalik ng Pilipinas. Nagulat daw siya nang naka-high heels ang kasintahan na magsa-shopping.

"Sabi ko, ‘Magsa-shopping ka ba ng naka-heels, wala ka bang rubber shoes?' Sabi naman niya [Regine], ‘Wala akong dala, hindi ko naman alam na puwede tayong mag-shopping.' Sabi ko, ‘Sige, ako ang bahala, bumili tayo ng rubber shoes.' Inisip ko kasi puwede kaming pumunta ng Mongkok, ibibili ko siya ng Nike, siguro hindi naman ‘yon mahal. Sabi ni Regine, ‘Sa Prada ako bibili.' May nabili nga siya doon, hindi ko na tiningnan ang presyo, bumunot na lang ako ng pambayad!" natatawang sabi ni Ogie.

"Ganyan si Regs, hindi ‘yan nag-i-Internet puwera na lang kung titingin siya ng latest na puwede niyang ma-order. Pero hindi naman lagi siyang may magugustuhang orderin," ani Ogie.

Kailan naman ang shooting ng movie nila sa GMA Films?

"Dini-delay-delay muna namin, kasi gusto naming malaman kung tanggap na tanggap na kami talaga ng tao," sagot niya.

Love is Blind and Deaf ang title ng movie nina Ogie at Regine na ididirek ni Dominic Zapata.

BUSY OGIE. Abala rin ngayon si Ogie dahil napili siya bilang isa sa judges ng Pinoy Idol, kasama sina Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.

"Every weekend, join kami sa auditions sa provinces with Raymond Gutierrez who will host the show. Doon ko nakita kung gaano kahusay si Wyngard as judge. Naiiyak din kami sa mga true stories ng buhay ng mga contestants, na akala mo gusto lang nila basta sumali dahil sa premyo, pero mas higit pa doon ang mga dahilan nila kung bakit sila sumasali," lahad ni Ogie.

Pinaghahandaan na rin ngayon ni Ogie ang 20th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum sa September 27, ang 20/20, na ang ibig sabihin ay twenty years niya na sa showbiz at mayroon din siyang 20 guests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga singers na nabigyan ko o naigawa ko ng kanta, o yung nakipag-collaborate ako sa kanila sa paggawa ng kanta. Alam ko magkaka-problema ako kung paano igi-guest sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Piolo Pascual, Sharon Cuneta, dahil taga-ABS-CBN sila. Pero hopefully, maayos namin ito bago dumating ang concert," pahayag niya tungkol sa balak niyang i-guest sa kanyang concert.

Bukod dito, inihahanda na rin daw ni Ogie ang kanyang next album, kung saan ire-revive niya ang mga awitin na nilikha ng ibang composers, gaya nina George Canseco, Rey Valera, at Jose Mari Chan.

"Around 14 to 16 songs ‘yon. Sasamahan ko lang ng mga four new compositions ko. Baka sa May or June ko mairi-release iyon sa aming label," balita ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN