Coco Martin more comfortable in doing indie films


"Kumportable ako rito, kahit sinasabi nilang hindi naman dawkumikita ang indie films... Ang importante pa sa akin, as anactor, nae-enhance ang talent ko. Dito ako nakikilala ng mga tao. Hindisiguro mabilis na pagsikat, pero may respectability, and that means alot to me," says Coco Martin about doing mostly indie films.



Die-hard indie lover ang sexy actor na si Coco Martin. Bago siya humarap sa PEP (Philippine Entertainment PortaL) ay nagpaalam muna siya at ang manager niyang si Noel Ferrer para manood ng Sikil sa Robinson's Galleria. Wala namang kaugnayan si Coco sa nabanggit na pelikula.



"Wala naman, curious lang ako," sabi ni Coco. "Kasi may queer movie rin kaming ipalalabas,' yung Daybreak, kami ni Paolo Rivero. Tiningnan ko lang kung ano ang kaibahan.

"Ours is very different. And besides, masaya ako sa ginagawa ko as an indie film actor. Proud ako na nalilinya ako rito, at nakakaganap ako ng iba't ibang klaseng roles, na hindi basta naipapagawa sa ibang artista."



INDIE PRINCE. Magkasunod ngang ipalalabas ang mga pelikula niya. Sa IndieSine ng Robinson's Galleria, magsisimula ngayong araw, January 23, ang showing ng Condo, kung saan gumaganap siya bilang malungkot at misteryosong security guard. Sa February 13 naman ay magpi-premiere sa UP Film Institute ang Daybreak, na idinirek ni Adolf Alix Jr.



"Kumportable ako rito, kahit sinasabi nilang hindi naman daw kumikita ang indie films. Well, mayroon sigurong hindi talaga agad kumikita, pero pangmatagal ang life span ng indie films, lalo na kung talagang maganda at award-winning. Ang importante pa sa akin, as an actor, nae-enhance ang talent ko. Dito ako nakikilala ng mga tao. Hindi siguro mabilis na pagsikat, pero may respectability, and that means a lot to me," pahayag ni Coco.



Sa Condo, ang konsepto ng character niya yung tipo bang napakabata niyang security guard dahil sa age na 'yon, yung paglalagi lang sa condo ang kumupkop sa kanya. Well-justified naman ang conflict ng character niya sa nabanggit na indie film.



In Daybreak, he plays the role of a boatman na mai-involve sexually and romantically sa kapwa lalaki. Sabi ni Coco, halos ginawa niyang napakatotoo ang character niya rito.



"May love scenes kami ni Paolo Rivero na bigay na bigay," sambit niya. "Walang sinabi yung sexy scenes ko sa Masahista. Dito, talagang halos hubo't hubad na. Ang love scenes, hangga't maaari, hindi na namin dinaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung paano ito ginawa, yun siguro ang magiging selling factor ng Daybreak.



GOING MAINSTREAM.
Manaka-nakang pumapasok din sa mainstream si Coco. Sa TV, nagkaroon siya ng one season stint sa Daisy Siete ng GMA-7.



"Maganda rin naman ang nagawa sa akin, kasi ipinareha ako kay Rochelle Pangilinan doon. Alam naman nating very popular ang SexBomb at ang show nila, talagang nagre-rate. I don't mind doing such portrayals again.

"Medyo picky lang ang manager ko," patuloy niya. "Hindi sa nagmamalaki, or what. Pero may offers na kailangang naka-costume ako na nakatago na ang mukha. Sa fantaserye raw, e, what's the use? Parang lalabas na hindi naman ako 'yon at nakatakip palagi ang mukha ko sa eksena. Palagay ko, there are better roles than that."

Inamin ni Coco na takot din siya sa ibang napakahuhusay nang mainstream directors.



"Masyado na silang authoritative, kasi naroon na sila," paliwanag niya. "Understandable 'yon. Pero karamihan kasi sa digital filmmakers, parang kapanabayan ko sa paggu-grow, kaya naroroon yung tiyaga nila sa mga artistang gaya ko. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong magtagal pa sa indie films habang bata pa ako at makakaganap ako ng iba't ibang roles."



KATHERINE LUNA.
Kinumusta din namin kay Coco si Katherine Luna, ang aktres na nawala na lang nang mabuntis niya.



"Wala kasing linaw yung sa amin, at kailangan naming mag-usap talaga tungkol sa bata. Wala naman akong sasabihin sa ngayon kasi hindi pa kami nagkakaayos ni Katherine. Sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin dahil gusto ko ring makita palagi ang bata, parang inilalayo niya sa akin. Hindi ko rin alam ang rason kaya mas mabuting hindi na lang ako magsalita muna tungkol sa anggulong 'yan," pahayag ni Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN