Shaina Magdayao talks about her cracked spinal disc and kissing scene with Piolo

"Naku, nanginig po ako talaga! Kahit ang mga mata ko, nanginig sa nerbiyos! Take four po ang eksena, more than a smack, pero hindi po naman babad ang kissing namin," says Shaina Magdayao about her first kissing scene with Lobo co-star Piolo Pascual.


Kahit may cracked spinal disc si Shaina Magdayao, naka-high heels pa rin siya nang um-attend ng general presscon ng Lobo sa Studio 1 ng ABS-CBN kahapon, June 23. Nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Shaina bago pa man nagsimula ang presscon proper at napansin namin ang pagsusuot niya ng high heels, ganung hindi pa siya ganap na magaling.

Paano niya nalamang may cracked disc pala siya?

"Matagal na po pala akong meron nito, sa pinakaibaba ng spinal column ko, kaya lang na-aggravate sa kasasayaw ko. May isa po kaming eksena ni Papa P [Piolo Pascual], action po ‘yon, na paglapag niya sa akin sa floor, bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi ko po matiis kaya ni-rush ako sa St. Luke's [hospital]. Doon po nalaman na may cracked disc nga ako. Hindi naman po slipped disc, at mahina po pala ‘yong left leg ko.

"Hindi ko naman po ‘yon napapansin kaya po tuloy ako sa pagsasayaw. Nag-training pa nga ako for Lobo dahil ang role ko, graduate ako ng PMA [Philippine Military Academy], isa akong deep-penetration agent. Two weeks po akong naka-bed rest. Kahit po pagpunta sa comfort room, hindi puwede, gumamit po ako ng bed pan. Lagi rin pong may pillow sa ilalim ng legs ko.

"Hindi po ako nakapag-taping at hindi rin naka-attend ng ASAP; kahit po ‘yong Sharon sa Araneta Coliseum, hindi rin ako nakapunta. Inalis na rin ‘yong mga action scenes ko [sa Lobo] kasi hindi pa po ako talaga puwedeng gumawa ng strenuous scenes," mahabang salaysay ni Shaina.

Wala bang paraan para gumaling ang cracked disc niya?

"Meron po, kailangan pong operahan, pero natatakot po ako sa operation," sabi ng young actress. "Bata pa naman po ako, ‘tsaka na lang. Pero sinabi rin po sa akin ang consequences kung hindi ko ito maagapan, magkakaroon din daw po ng effect kung sakaling mag-asawa ako at magkaanak. Mahirap daw po sa aking manganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit po ngayon, hindi ako basta puwedeng tumayo, kailangang mag-warm up muna ako. Dapat nga raw po ay mag-yoga ako, para maging straight ‘yong katawan ko. Ang hirap po, pero nasasanay na rin ako. Ingat lang ang kailangan kong gawin."

KISSING SCENE WITH PIOLO. First mature role ni Shaina ang ginagampanan niya sa Lobo at may kissing scene din sila rito ni Piolo.

"Tapos na po i-shoot ang kissing scene namin," nangingiting kuwento ni Shaina. "Naku, nanginig po ako talaga! Kahit ang mga mata ko, nanginig sa nerbiyos! Take four po ang eksena, more than a smack, pero hindi po naman babad ang kissing namin. Saka I trust naman my directors at very supportive po si Papa P, kaya maayos naman naming natapos ang eksena. Mayroon pa po yatang ibang kissing scene na kukunan, pero hindi ko pa alam kung kailan."

Mabuti't pumayag ang parents niya na makipag-kissing scene na siya?

"Bago ko po naman tinanggap ang role, sinabi na nila sa akin kung ano ang gagawin ko at mayroon nga raw pong kissing scene. Kaya sinabi ko po ito sa parents ko, pinag-usapan namin. I'm eighteen years old na rin po, saka hindi naman puwedeng lagi na lang pa-tweetums ang role na gagampanan ko," paliwanag ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

Biniro namin si Shaina na sila na talaga ngayon ni Rayver Cruz at wala na sila ng nababalitang boyfriend niya na si John Prats. Sabi tuloy ng handler ng young actress, bakit hindi raw niya alam ang tungkol dito.

"Ay, ewan ko po, wala rin po akong alam tungkol sa isyu na namang ‘yon," natatawang sabi ni Shaina. "Basta sa ngayon po, ang Lobo ang pinagkakaabalahan ko, at ang pag-aalaga ko sa sarili ko para hindi lumala ang cracked disc ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN