Stars quietly move in and out of two giant TV networks

After Zaido, Jay Manalo (left) will temporarily transfer to ABS-CBN to do Florinda, while former ABS-CBN contract star Joseph Bitangcol (right) is part of GMA-7's Babangon Ako't Dudurugin Kita.


More stars and directors are quietly moving in and out of the two biggest TV stations without hassle.

Nagsimula nang mag-taping ang primetime soap opera ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita directed by Joel Lamangan. Starring Yasmien Kurdi and JC de Vera, ito ang comeback soap nina Ms. Dina Bonnevie at Angelika dela Cruz sa Kapuso network.

Big cast ang soap version ng dating Sharon Cuneta movie ng Viva Films. Bukod kay Marvin Agustin, kasama rin sa main cast ng Babangon Ako't Dudurugin Kita sina Diana Zubiri at Paolo Contis, pati na rin sina Emilio Garcia, Mike Magat, at Deborah Sun who is also doing a comeback.

Making special appearances are StarStruck male winners Mike Tan and Mart Escudero, pati na rin si Jennica Garcia at ang dating Star Circle Questor na si Joseph Bitangcol.

This is Joseph's first primetime soap sa GMA-7 after signing up exclusively with DMV Entertainment of Manny Valera noong natapos ang kanyang Star Magic contract. Hindi naman ito ang kanyang first appearance sa Kapuso dahil in the last three episodes of the recently concluded Sunday teen show na Boys Nxt Door, naging semi-regular siya as Sheena Halili's boyfriend.

Over at ABS-CBN naman, nag-story conference na rin last Friday, January 18, ang pangatlong installment ng Susan Roces Collection na Florinda.

Present in that story conference were Ms. Maricel Soriano, Jay Manalo, Cherry Pie Picache, Roxanne Guinoo, Zanjoe Marudo, Nikki Gil, and William Martinez.

Sa February 4 ang last taping day ng Zaido: Pulis Pangkalakawan ng GMA-7 kung saan kasama si Jay bilang Commander Drigo at sa February 11 ang final telecast. Ngunit nagpaalam na nang maayos si Jay sa GMA-7 before he accepted Florinda.

Tatlong linggo lang ipalalabas ang Florinda, so parang magiging breather lang ito ni Jay from his GMA-7 commitment dahil pagkatapos nito ay balik-Kapuso ulit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Florinda will be directed by Rahyan Carlos, GMA Artist Center's former resident director who also quietly moved to ABS-CBN. Sa Kapamilya network nagsimula ng career si Rahyan as scriptwriter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN