Digital film "Roxxxanne" tackles cell phone sex scandals

Roxxxanne stars (from left) Janvier Daily, Sheree, and Jay Aquitania. The digital film about cell phone sex scandals was approved without cuts by the MTRCB.


Roxxxanne, the fourth independent movie to be screened regularly and exclusively in Robinson's Galleria Indie Sine is also Jun Lana's personal project.

Buhay na buhay ang independent cinema ng local showbiz dahil ang unang apat na pelikula this year ay pawang mga digital movies. Year 2008 opened with the regular screening of the lesbian-themed Retaso followed by the gay-themed Sikil.

Nag-open kahapon, January 23, ang Condo ng Breaking The Box Production ni Aloy Adlawan, starring Coco Martin. Opening this February 2 is October Train's Roxxxanne in cooperation with Ignite Media.

Roxxxxanne is Jun's dream project.

One week after an interview on a cable TV channel where Jun talked about this dream project and his need for money to produce it, may dumating na one million pesos cash sa kanya from someone who requested anonymity. Promptly, cameras rolled.

During the review of the movie sa MTRCB, dalawang beses ipinatawag ng panel si Jun para depensahan ang maseselang bahagi ng pelikula. Trailer pa lang kasi noon ng Roxxxanne ay na-Rated X na ng MTRCB kaya't alalang-alala ang direktor na baka ito rin ang sapitin ng buong pelikula. In the end, approved without cuts ang movie.

His next problem naman, nang nag-request siya na kung sana ay mabigyan siya ng weekend opening, bigla itong na-approve kung kaya't harassed ang director-scriptwriter-producer for promo dahil instead of the original February 6 playdate, na-move ito earlier on a February 2 schedule.

Roxxxanne stars Sheree, Jay Aquitania, and Janvier Daily. Kasama rin dito sina Hanni Miller at Elizabeth Oropesa.

Umani ng papuri ang pelikula sa special screening nito noong isang taon sa UP Film Theater dahil sa sensitibo nitong pagtalakay sa isyu ng cell phone sex videos.

Months later, art imitated life dahil ang isa sa bida ng pelikula na si Janvier ay nabiktima rin ng cell phone scandal nang lumabas ang kanyang hubad na picture taken from a camera supposedly by former girlfriend Ethel Booba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN