Christopher Roxas wishes for baby girl with wife Gladys Reyes

"Sana babae. Para kumpleto na. ‘Tapos dalawa pa. And then, tama na. Apat ang gusto kong anak sana para mas masaya yung malaking pamilya," beams Christopher Roxas when asked about his coming second child with wife Gladys Reyes.


Sinamahan ng nagdadalang-tao na si Gladys Reyes ang mister niyang si Christopher Roxas sa presscon ng Kung Fu Kids ng ABS-CBN kahapon, January 23. Bitbit ni Gladys ang panganay na anak nila ni Christopher na si Gian Christophe.



Four months na ang ipinagbubuntis ni Gladys at ayon kay Christopher, medyo suplada raw ngayon ang kanyang asawa.



"Sa panganay, hindi masyado, e. ‘Tapos minsan, ako yung mas tinotopak, hindi ko alam kung bakit," kuwento ni Christopher sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Na-excite ba siya nung malaman niya na buntis na ulit si Gladys?

"Mas nauna yung nag-isip kasi bagong buhay na bubuhayin," pag-amin ni Christopher. "Siyempre, kailangan mo mas doble yung kayod para sa pamilya mo. Hindi planado pero masaya. Salamat sa Diyos."



Matatandaang last year nakalmot ng pusa si Gladys sa presscon ng My Only Love, ang afternoon soap opera ng GMA-7. Panahon din iyon ng pagbubuntis niya sa kanyang ikalawang anak. Hindi ba nag-alala si Christopher sa nangyari sa kanyang misis?



"Actually, nung unang-una, sinabi ‘yon na kasi yung test, natakot ako dahil nga nakalmot siya, may vaccine. Ngayon, sabi ng doctor, okay naman daw," pahayag ng aktor.



Nakapagpa-ultrasound na raw si Gladys, pero hindi pa makita kung ano ang gender ng second baby nila.

"Pero sana babae," wish ni Christopher. "Para kumpleto na. ‘Tapos dalawa pa. And then, tama na. Apat ang gusto kong anak sana para mas masaya yung malaking pamilya."



Masaya naman si Christopher dahil balik-telebisyon ulit siya kasama ang bagong young stars ng ABS-CBN.



"Nung in-offer sa akin, tatay na raw ako, okay lang. Masaya kasi gusto ko naman ang ginagawa ko. Gusto ko umaarte. Masayang trabaho," banggit niya.



Type din sana ni Gladys na makasama sa trabaho ang kanyang mister sa ABS-CBN, pero malabo raw ito dahil si Lolit Solis ang manager ng aktres, na kasalukuyang may hinaharap na kasong libelo sa Kampamilya stars na sina Piolo Pascual at Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi man kasama ni Christopher si Gladys sa Kung Fu Kids, katrabaho naman ng aktor ang dating Universal Motion Dancer na si Wowie de Guzman. Matagal nagkasama noon sina Christopher at Wowie sa Mara Clara ng ABS-CBN.



"Parang reunion, ganun na nga," ngiti ni Christopher. "Matagal kaming hindi nagkatrabaho, so, ayun, masaya. Masaya ang feeling kasi nawala rin siya for a while, e. So, ayun, magkasama kami ngayon dito. Medyo kuwento- kuwentuhan ng nakaraan kapag nasa set kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN