Piolo Pascual will spend Valentine's Day with friends

Matinee idol Piolo Pascual talks about his Lobo leading lady Angel Locsin (inset, bottom) and his libel case against Lolit Solis (inset, top).


Aminado si Piolo Pascual na ilang taon na siyang "single" tuwing Valentine's Day since, aniya nga, may lima or anim na taon na rin siyang single talaga. Kaya sa February 14, ngayon pa lang ay may nakaplano na raw siyang gagawin.

Instead na makipag-date kasama ang isang special someone, he will be spending Valentine's with his friends. Manonood siya ng concert ng ASAP Live na All For Love, kasama ang mga kaibigan niyang sina Direk Joyce Bernal, Mark Bautista, at iba pa.

"Puro mga singles, magsasama-sama kami sa panonood ng concert," pahayag ni Piolo sa presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN, Lobo, na magpi-premiere na this Monday, January 28.

Hirit namin kay Piolo, ilang taon na rin na sinasabi niyang single siya. So, ilang taon pa kaya ang bibilangin para maiba naman ang sagot niya?

"Huwag naman sanang matagal. Gusto ko namang i-share ang buhay ko!" tawa niya. "Wala talaga, e... Darating din tayo riyan. Some people are saying 'bata ka pa,' some people are saying 'it's about time.' What I'm waiting for is the right person at the right time... It's the right person."

ANGEL & LUIS. May nagtanong kay Piolo kung totoo na nang lumipat ang kapareha niya sa Lobo na si Angel Locsin ay balitang binalak daw niya itong ligawan, kaso lang ay naudlot ito dahil naunahan siya ni Luis Manzano. Totoo ba ito?

Ayon kay Piolo, "Nasabi ko nga, minsan kasi masyadong marami yung mabibilis na lalaki riyan. Siguro nag-iingat lang tayo. Kasi dati pa, hindi ako yung ligaw nang ligaw at kapag ayoko na, ayoko na. I really value the relationship.

"The reason why I've been single for this long is because kapag nagkaroon ako ng girlfriend, gusto ko siya na yung last. Gusto ko siya yung papakasalan ko. I wanna invest on someone na alam kong makakasama ko sa habambuhay," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Piolo na sumagi raw talaga sa isipan niya yung possibilities na ligawan nga si Angel. Pero aniya, along the way, marami na rin daw kasi ang nangyari.

"Actually, pagpasok pa lang niya [sa ABS-CBN]... Siyempre kung lalaki ka talaga, you will think of possibilities. You will think of ideas. Hindi ko rin naman ikakaila na sumagi sa isip ko yun. Siyempre, makakasama ko yun, e. Marami lang nangyari na... When we were doing the workshop, we decided na huwag natin sigurong pagsabayin. If ever may ma-develop, let's go with the flow, but let's prioritize our professional life because mas importante ‘yon for now.

"Ako kasi, honestly, noong pumasok si Angel dito, ayoko siyang bakuran. Ayokong isipin na just because nandito ka, ako lang ang ka-loveteam mo. I don't wanna limit her. Kasi gusto ko rin kasi yung ma-explore yung possibilities. Gusto ko rin ma-explore yung puwede niyang gawin. Siyempre, kapag may boyfriend siya, maraming bawal, maraming hindi puwedeng gawin. Gusto ko rin maging maluwag siya sa sarili niya para makagawa pa siya ng maraming bagay, yung walang iniisip na maraming tao," mahabang paliwanag ni Piolo.

Wala bang ilangan sa kanilang dalawa ni Luis?

"Hindi naman," tanggi ni Piolo. "Luis is a very good friend. Hanggang walang inaamin yung dalawa, wala akong sasabihin. Wala naman akong alam. So Luis and I are okay, at okay rin naman sila ni Luis, at wala naman sigurong problema."

Dito na nga pumasok yung sinabi ni Angel sa interview na she and Luis are now "exclusively dating."

"If that's the case, no comment!" tawa ni Piolo nang hingan namin ng reaksiyon.

LOLIT SOLIS. Kailan lang, naipakita ni Angel at iba pang showbiz friends ni Piolo sa kasong isinampa nila ni Sam Milby laban kay Lolit Solis kaya ganoon na lang din daw ang pasasalamat ng young actor sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just so thankful na nand'yan si Marietta [Pokwang], si Angel, si Rica [Peralejo]...These people, busy sa kanilang mga buhay and yet, isang tanong lang, isang hiling lang ng attorney namin, hindi sila nagdalawang-isip. Even si Rica, she's been getting a lot of negative things from a lot of people. Tumutulong na nga yung tao, ‘tapos tinitira pa. Ang sama nga ng dating because they are just standing for what is right. They want to testify because they wanna witness and tell the truth.

"Sabi nga ni Angel, ‘Huwag mo ako pasalamatan. Sasabihin ko lang naman kung ano ang totoo. Sasabihin ko lang naman kung ano ang nakita ko. Gusto ko lang din lumabas yung katotohanan.' I'm really grateful. Mahirap ang ipinapagawa sa kanila and yet, taus-puso nilang tinanggap yung situation na dumating."

May statement daw si Lolit na tila gusto talaga nina Piolo at Sam na makitang makulong ang writer-talent manager. Ano ang reaksiyon dito ni Piolo?

Aniya, "Ang point ko lang, mag-retract siya at ida-drop namin ang case. Kumbaga, umabot na tayo sa ganitong kahabang proseso, napakadali lang naman ng hinihingi namin.

"Sino ba naman gustong makulong na tao? Sino naman... Kahit kaaway ko, ayokong makulong. We're just asking for justice. We just want her [Lolit] to retract the story and we'll drop the case, as simple as that.

"Ang sa akin lang," patuloy niya, "sabihin mo lang na hindi kami ‘yon. Sabihin mo lang kung ano ang totoo. Kaya nga may mga nagwi-witness na. So, the people are already seeing that. So many witness are willing to testify."

CONFIDENT BUT AFFECTED. Ayon kay Piolo, confident siya sa kaso nila kaya sila nag-file. Pero aniya, hindi talaga maiiwasang kahit paano, naapektuhan din siya sa nangyayari.

"Hindi naman namin ipa-file ang isang kaso kung hindi kami sigurado," diin ng aktor. "Ako, ayoko sa lahat may legal cases. Pero masyado nang personal ang nangyayari. Matagal nang isyu ‘yan, e. ‘Tapos ngayon, babalikan na naman dahil sa ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga taong nakatrabaho ko, parang pati mismo sila nagdududa na. Nakakasakit din minsan. Sana naiisip din nila, tao rin naman ako. Hindi naman ako bato para hindi ko makita yung mga tingin ng tao sa akin. So, sana maisip na lang niya na yung ginawan niya ng istorya ay tao rin at pareho lang naman kami na gusto naming magtrabaho."

Aminado na siya ngayon na naapektuhan talaga siya?

"Hindi naapektuhan ang trabaho ko," paglilinaw niya. "Naapektuhan yung real person. Naapektuhan ako bilang tao. Kasi nakaka-praning din minsan yung mga nakikita mo. Mag-visit ka sa Internet, kung anu-ano ang mga pinag-uusapan.

"Kasi, what she [Lolit] did, she put malice to the people's mind. Alam kong tao rin naman siya at may konsensiya rin," mariing sabi ni Piolo.

Naiyak na ba siya because of the this?

"Mas marami nang below the belt diyan," sagot niya. "May sex video na nga tayo. Kasama ko anak ko. Nasa labas kami noong sinabi sa akin yun. Halos pinipigil kong umiyak, pero napasama pa rin yung paglabas ko sa TV.

"Pero alam ko naman na ang mga tao, may konsensiya. So kung marunong tayong makiramdam, alam natin kung kailan nasasaktan ang isang tao. At alam natin kung ano ang tamang ginagawa natin at alam natin kung ano ang mali. As far as I'm concerned, wala akong inagrabyado. Gusto ko lang magkaroon ng disenteng trabaho. Never akong nantapak ng tao kahit na sino."

Dati ba ay hindi niya pinapansin ang ganitong kalseng intriga sa kanya?

"Hanggang ngayon naman dinededma ko," sabi ni Piolo. "Nag-file lang kami ng kaso kasi it's foul. The principle is foul. Pero just the same, kung haharapin ko yun, kung iku-confront ko lahat, nakakapagod. Hindi na ako makakapag-concentrate sa trabaho at nakakapangit.

"I can say that I can sleep peacefully at night because I know wala akong kaaway," pahabol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya pa rin ba na wala siyang personal na galit kay Lolit despite their issue?

"I don't want to be politically incorrect," sagot niya. "We filed the case and nasa korte na. Ayokong magsalita about her. Ayokong mag-comment about her kasi baka maging conflict sa kaso namin."

PIOLO'S SON. Maging ang 10 year-old-son daw ni Piolo ay naapektuhan na rin sa mga nangyayari. Kahit nasa Los Angeles ito at doon nag-aaral, aware na aware daw ang kanyang anak sa lahat ng nangyayari sa kanya.

"My son texted me... Yesterday, he called me. Sabi niya, ‘Pa, stop na lang. We know who you are. We know you don't deserve this. Hindi ka naman ganyan dati. Bakit hinahayaan mong mangyari ito?' Siyempre, bata yun... So, parang sabi ko na lang, ‘Anak, you just don't know. Hindi mo alam kung gaano kahirap yung kasong hinaharap ni Papa.' Pero sabi ko, ‘Don't worry, matatapos din ito.' My son is so bothered. Pero alam mo yun, pati anak ko, naapektuhan na," lahad ni Piolo.

Sa huli, nasabi na nga lang ni Piolo na, "I think both networks just want to work. We all want to work. Gusto kong mag-provide para sa sarili ko. Pero kung tatapakan at tatapakan n'yo ako, meron akong Diyos na tatakbuhan pero may hangganan ang pasensiya ng bawat tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN