John Prats dismisses talk that Shaina Magdayao's family dislikes him

"Maayos naman ang pagtanggap nila. Ako kasi, sa kahit na anong lumabasna mga balita, as long as I know the truth, okay na ako dun," says John Prats about Shaina Magdayao's (inset) family.



Hindi lang si Rayver Cruz ang nasagasaan ni John Prats nang magsimula itong manligaw sa ka-loveteam ni Rayver na si Shaina Magdayao. May balitang kahit ang pamilya Magdayao ay nagpahayag ng pagkadisgusto sa young actor.



Ayon sa usap-usapan, isa raw sa inayawan ng pamilya ng young actress kay John ay ang playboy image nito. Para sa iba, hindi raw masisisi ang Magdayao family kung ayawan man si John at protektahan ang kapakanan ni Shaina.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John nang makasalubong namin siya sa hallway ng ABS-CBN, pinabulaanan niya ang nasabing balita dahil maganda naman ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Shaina tuwing dumadalaw siya sa kanila.



"Dumalaw ako sa kanila recently lang kasi nga galing ako sa States to visit Camille [Prats, his sister] and spend holidays with my family. Nagbigay ako ng gift kay Shaina, pati sa family niya and mababait naman sila sa akin. Maayos naman ang pagtanggap nila. Ako kasi, sa kahit na anong lumabas na mga balita, as long as I know the truth, okay na ako dun," pahayag ni John.

Aminado si John na ikinagulat niya ang lumabas na kuwento na hindi boto sa kanya ang pamilya ni Shaina.



"Ang dating sa akin, ‘Saan galing ‘yan?' Sabagay, may issue nga na lumabas before na four months na raw kami ni Sahina, ‘tapos after two months, four months pa rin daw kami. So ang ibig sabihin pala nun, stagnant yung relationship namin kasi di tumatakbo ang mga araw!" natatawang sabi ng binata.

Sinabi rin ni John na kung malalagay siya sa isang situwasyon na aayawan nga siya ng pamilya ng nililigawan o magiging girlfriend niya, ipapakita raw niya sa mga ito ang malinis niyang intensiyon.



Tungkol sa playboy image, heto ang mensahe na iniwan ni John sa mga taong ganito ang pagkakakilala sa kanya: "Kung sinuman ang nagsasabi nun, it's their opinion. If they see me as that, it's up to them. Sa akin kasi, only God can judge me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa ASAP ‘08, isang comedy series na pagsasamahan nila nina Zanjoe Marudo at Jason Gainza ang pinagkakaabalahan ni John. Nagsu-shooting na rin si John para sa sequel ng Manay Po, kung saan gumaganap siyang bading.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN