Birthday girl Yasmien Kurdi hops from one country to another

Fresh from Dubai, Yasmien Kurdi celebrates her birthday today by watching the concert of her favorite rock band, My Chemical Romance, at The Fort.



Yasmien Kurdi is hopping from one country to another in between her birthday and next soap opera in GMA-7.

Binati namin today, January 25, ang kauna-unahang StarStruck First Princess dahil 19th birthday niya ngayong araw. Mabilis ang naging sagot niya ng pasasalamat at tiyempo raw dahil kararating niya pa lang from her vacation.

"Eksakto ang text n'yo, kadarating ko pa lang galing Dubai, he he he. Umuwi ako agad kasi ayokong ma-miss later yung My Chemical Romance concert dahil mi-meet ko pa sila, he he he. Excited na ako," sagot ni Yasmien sa amin in two text messages.

Medyo naguluhan kami sa kung sino ang imi-meet niya later, and it turned out, ang favorite group niya pala na My Chemical Romance nga, the band from New Jersey na magku-concert tonight sa The Fort.

"Wah super fan ako! Rock concert ito, later wala muna artista-artista," sabi pa ni Yasmien.

January 13 umalis ng Pilipinas si Yasmien at dumating siya kahapon, January 24. Mag-isa lang siyang lumipad to meet her friends na doon na raw lahat nagtatrabaho.

We asked her kung nabigyan siya ng birthday treat ng mga friends niya doon at 'Oo' raw—almost everyday.

"Pero magluluto lang sila ‘tapos pasyal ng konti, ganoon. Nag-Dubai ski, desert safari, babby sand, and ice boarding. Nagpunta rin kami ng Burj Al Arab. Inilibre ako ng mga Lebanese sa Lebanese restaurant nang nalaman nilang half-Lebanese ako. ‘Tapos nagpapa-picture sa akin ang mga Pinoy. ‘Tapos nakakapagsalita ako ng Arabic, aliw! Masaya ang bakasyon ko doon, kaso bitin, sobra saya!" kuwento ni Yasmien.

Hanggang ngayon, marunong pa rin siyang mag-Arabic?

"Kaya nga hindi nila ako maibenta doon e, hahahaha," sabi niya sa text.

Sa Dubai Grand Hyatt Hotel nag-stay si Yasmien at nakasabay niya sa pagdating si U.S. President George W. Bush.

Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, hindi pa rin magsisimula si Yasmien sa kanilang first primetime soap ni JC de Vera na Babangon Ako't Dudurugin Kita. Puro mga bata pa raw kasi ang kinukunan, although napadalhan na siya ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro baka after Singapore pa ako kukunan o baka after pa ng U.S. tour namin nina Jolens [Jolina Magdangal] and Dennis [Trillo]," balita ng young actress.

This Sunday, January 27, lilipad sila ni JC patungong Iloilo for the promotion ng GMA-7. Nasa Singapore naman siya para sa premiere ng Bahay Kubo doon on February 1 and 2. Then, magku-concert sila nina Jolens at Dennis sa San Francisco and Las Vegas at February 19 ang alis nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN