Bystanders stone Joseph Bitangcol's car in Laguna

Young actor Joseph Bitangcol was on his way back to Manila when some bystanders in Sta. Cruz, Laguna, stoned his car. Joseph and his father, who was with him at that time, decided not to report the incident to the authorities.


Two-thirty a.m. ng Thursday, January 24, binabagtas ng sasakyan ng young actor na si Joseph Bitangcol, kasama ang kanyang ama at PA, ang kahabaan ng daan ng Sta. Cruz, Laguna nang biglang may nambato sa kanilang kotse.

Bumaba sina Joseph at ang kanyang ama sa kotse para tingnan ang damage na natamo ng kanilang sasakyan sanhi ng pambabato. May isang grupo ng tambay na nakatingin sa kanila na parang wala lang daw. Minabuti na lang nilang bumalik sa sasakyan at paandarin muli ito. Saka raw sila pinagbabato ng kung ilang beses at nabasag ang rear window ng sasakyan nilang red Lancer.

Hindi na nila ito ini-report sa police at hindi na rin sila muling bumaba dahil baka mas mapahamak lang daw sila. Ipinagawa na lang din ng ama ni Joseph ang sasakyan noong Huwebes ng hapon.

Galing sa Pagsanjan, Laguna, si Joseph para sa taping ng bagong soap ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita. Siya ang gumaganap na batang Paolo Contis sa flashback scene, kasama sina Jennica Garcia na gaganap na batang Diana Zubiri, Mart Escudero, at si Mike Tan na siyang mag-aalaga sa batang si JC de Vera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN