Francine Prieto and her mother settle estafa case

Sexy actress Francine Prieto and her mother, Amelia, have finally settled their obligation to a certain Barbara Tolentino who sued the mother and daughter for estafa because of unpaid jewelry. Tolentino had filed an affidavit of desistance after talking to Francine and her mother.



Magdadalawang linggo na nang unang lumabas ang balitang may isang babaeng nagngangalang Barbara Tolentino, may-ari ng isang jewelry shop, na nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mag-inang Ana Marie Falcon a.k.a Francine Prieto at Amelia.

Ayon sa reklamo, tumalbog daw ang mga tsekeng inisyu ng ina ni Francine bilang kabayaran sa mga alahas na nagkakahalagang P150,000.

Sa loob ng dalawang linggo, nanatiling tahimik si Francine. Tanging ang kanyang abogado ang nagpapadala ng statement sa media na nagsasabing inaayos na raw nila ang usapin na isang misunderstanding lang at wala raw kinalaman si Francine dito.

Nang pumayag magpa-interview kamakailan ang aktres, hindi niya itinanggi na kilala nga niya ang taong naghahabla at sa loob ng isang taon ay naging suki na nilang mag-ina sa alahas.

Ang hindi raw maintindihan ni Francine ay kung bakit nasama pa ang pangalanan niya sa reklamo gayong ang kanyang ina lang ang kausap tungkol sa mga alahas. Mariin ding sinabi ng aktres na hindi niya planong takbuhan ang kanyang obligasyon.

Aniya, "Unang-una, misunderstading lang. Pangalawa, siguro nagpa-panic lang siya na baka hindi siya mabayaran.

"Unang-una sa lahat, like last year, gipit kami dahil naging isa na lang yung show ko. May biglaan pero kahit na ganoon pa man, hindi namin siya tinakbuhan. Kinausap namin siya na, alam mo yun, na huwag mo muna ipasok yung mga tseke. Hold muna. Siyempre, priority muna namin yung bahay dahil naka-loan sa bangko," paliwanag ng sexy actress.

Nagkaharap na noong Huwebes, January 24, ang magkabilang panig sa pamamagitan ng kanilang mga abogado. Nagkabayaran na at nagsumite ng isang affidavit of desistance si Barbara, katibayan na hindi na siya magsasampa ng demanda laban sa mag-ina.

Kahit natapos na ang problema, hindi maitanggi ni Francine na grabe siyang naapektuhan ng isyung ito.

"Siyempre, affected ako dahil para nga ako yung mas affected. Kasi nga, stressed ka na sa trabaho, ‘tapos dadagdag pa ito. Parang sunud-sunod na patung-patong na siya," sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN