Bianca Gonzales refuses to comment on Lino Cayetano-KC Concepcion breakup

"They [KC and Lino] never talked about it. So feeling ko, I'm not in theposition to say anything kasi sila wala silang sinasabi, they chose tokeep quiet. What more ako? Wala akong karapatan to say anything aboutit," says Bianca Gonzales (left) about the breakup of Lino Cayetano (right) and KC Concepcion (not in photo).



Kasabay ng kumpirmadong balita na break na sina KC Concepcion at Lino Cayetano ay ang pagputok ng usap-usapan na nagkabalikan na si Lino at ang ex-girlfriend nitong si Bianca Gonzales.



Kasunod din nito ang balita na nakita sina Lino at Bianca sa isang beach sa Singapore na sweet na sweet at nagse-share daw sa isang salad bowl sa isang restaurant, bagay na hindi naman ikinaila ni Bianca sa mga interview sa kanya lalo't may video na lumabas.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca last Friday, January 25, aminado si Bianca na masaya siya ngayon. Pero taliwas daw ito sa iniisip ng iba na nag-rejoice siya nang mag-break sina KC at Lino para siya naman ang balikan ng batang direktor.



"I'm happy now, but siyempre di ka naman natutuwa with bad news. Hindi ka natutuwa na may dalawang tao na naghihiwalay. Though di kami masyadong nag-uusap nung time na ‘yon, they [KC and Lino] never talked about it. So feeling ko, I'm not in the position to say anything kasi sila wala silang sinasabi, they chose to keep quiet. What more ako? Wala akong karapatan to say anything about it," pahayag ni Bianca.

Nilinaw rin ni Bianca ang balitang nagkabalikan na sila ni Lino.



"It's so soon," sambit ni Bianca. "As a girl, ang dami nang nangyari sa aming dalawa [ni Lino], mga bagay-bagay na for me right now, at this point, ayokong madaliin. Saka dapat manligaw muna yung lalake sa babae before getting into a relationship."

Hindi naman itinatanggi ni Bianca na mahal pa rin niya si Lino at kahit wala na sila ay tuloy pa rin ang communication nilang dalawa.



"I think I always say naman na mahal ko pa yung tao at kahit sabihin ko naman na hindi, sasabihin ninyo nagsisinungaling si Bianca. To be honest, ‘yan ang problema sa akin. ‘Pag masaya ako or ‘pag malungkot ako, kitang-kita, parang di ko kayang magtago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"This past year na mayroon siyang turning life, na mayroon din akong sariling buhay, I think we're like normal ex-boyfriend-girlfriend na ‘pag may kailangan kang tanungin, puwede mong tawagan, nandiyan kahit papaano yung kumustahan. I'm open naman that we're friends, but we're not chika friends na ‘pag nagkikita kami, we're very civil. ‘Pag nagkakasalubong, nagkakasabay sa church, nagbabatian. But recently lang kaming nagkausap like close friends."

Regarding the Singapore issue, hindi naman itinago ni Bianca na may intensiyon ang pagpunta niya sa naturang bansa. Nagulat na nga lang siya nung lumaki masyado ang balita at pati mga detalye ng mga ginawa nila ay lumabas.



"I feel lying naman kung sasabihin kong di ko inisip na pupunta ako dun at makikipagkita sa ibang bansa kung wala akong intention. Of course, kahit papaano, maganda rin yung nakapag-usap kami uli and everything is just happy and right.



"Pinag-usapan namin na pupunta ako sa Singapore because temporarily based siya dun kasi may mga kausap siyang producers. Let me clarify again that there's no confrontation, walang nagalit, walang nagreklamo, walang magdedemanda, contrary to the way it came out. We asked kung it came from the restaurant, kasi nga it was detailed. Regarding na nag-share daw kami sa isang salad bowl, na ako pa ang may hawak ng wallet niya, it's so detailed na I don't even remember those things at mas naaalala pa nila kaysa sa akin."

For Bianca, lahat ng hindi magandang nangyari sa relasyon nila before ni Lino ay parte na lang ng nakaraan. Pero hindi ba naiisip ni Bianca na parang panakip-butas lang siya ng ex na pagkatapos ng pakikipag-break nito kay KC, heto't binalikan siya agad?



"Maybe you should ask him," sagot niya. "Gusto ko ring malaman ang sagot niya diyan. But I think Lino naman is a very, very decent guy. Malaki na siya at alam na niya ang ginagawa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN