"High School Musical" star Cheska Ortega is now a Viva artist

"I'm just lucky to have been chosen to play Gabriella out of the many who auditioned. When Viva said na they wanted me to be their contract star, mas natuwa ako because it's my dream slowly coming true. Hopefully, things will turn out okay this year for my career," says High School Musical star Cheska Ortega.



Hindi na kataka-taka kung makapasok man sa showbiz ang baguhan na si Cheska Ortega. Ang bagong contract star na ito ng Viva Artist Agency ay kamag-anak ng dating impersonator ni Kris Aquino na si Joy Ortega at ng magkapatid na Robert at Michelle Ortega.



"They are are my cousins," sabi ni Cheska. "Kapatid ng daddy ko ang mga daddy nila. Marami kasi silang magkakapatid. I guess showbiz and politics run in our blood. A few of us are in both fields. I think mas inclined ako to showbiz than politics. Mas enjoy ako sa ginagawa ko ngayon—singing and dancing."



Napansin ang husay ni Cheska nang gampanan niya ang kanyang first lead role bilang Gabriella Montez sa Stages production ng High School Musical (HSM), kung saan naka-partner niya si Sam Concepcion as Troy Bolton. Nagkasama rin sila ni Sam sa isang music video nito.



"Napagalitan pa nga ako ng parents ko at ng school when I appeared sa music video ni Sam and when I did HSM. Bawal kasi sa school namin [Poveda] na we get involved in show business. That's why I have to move to another school para matuloy ko ang dream ko to be a performance artist," pahayag ni Cheska sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Nasa grade school pa lang si Cheska nang magkaroon siya ng interes sa showbiz. She was in Grade 2 noong una siyang mag-workshop sa Trumpets Playshoppe Kids. Kaagad siyang napasama sa local production ng The Lion, The Witch and The Wardrobe kung saan nakasama rin niya sina Christian Bautista at Joaquin Valdes.



Now that she's 15 years old, nasubukan na ni Cheska na magbida sa HSM at ngayon ay kinuha na siyang artista ng Viva. She recently signed a five-year managerial contract with Viva Artist Agency.



"Doing High School Musical was a big thing for me," sambit ni Cheska. "Big fan ako ng HSM and I really love Vanessa Hudgens and Zac Efron. Sino bang mga teenagers ang hindi sila kilala ngayon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm just lucky to have been chosen to play Gabriella out of the many who auditioned. When Viva said na they wanted me to be their contract star, mas natuwa ako because it's my dream slowly coming true. Hopefully, things will turn out okay this year for my career."



Bukod sa movies and TV exposure, magkakaroon din ng album si Cheska na ipu-produce ng Viva Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN