Comedienne Pokwang being wooed by a foreigner


"Malalaman kong seryoso siya sa akin kapag pinahinto niya ako sapagtatrabaho at binigyan niya ako ng bonggang-bonggang buhay na kahithindi na ako mag-artista," says Pokwang about her new suitor.



In love na ulit ang komedyanteng si Pokwang. Foreigner daw ang boyfriend niya ngayon na nakilala niya nang magkaroon siya ng show sa Canada kasama sina Piolo Pascual at Sam Milby.



"Ay, hindi ko pa siya dyowa!" paglilinaw ni Pokwang nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Wowowee.



Paano niya nakilala yung guy?



"Nung nagpunta kami sa Canada, nakilala ko siya. Hindi siya Canadian. Ano ba'ng lahi ito? Basta pure siya na ano...nakalimutan ko ang lahi niya! Paul ang pangalan niya. That was two days before ng concert namin, naglibot-libot kami. Namasyal sa snow-isnohan. Nakita ko siya among the crowd. Pinuntahan ko siya, nilandi-landi ko. Nagpa-picture pa ako kunwari. Nag-goodtime-goodtime kami doon.

"Nakilala ko siya doon tapos, ayun, nagpa-picture ako hanggang sa may tsumika na, ‘Alam mo ba na ‘yang nagpa-picture sa ‘yo, artista ‘yan sa Pilipinas, si Pokie.' E, hindi siya makapaniwala. Kaya ang ginawa ko, inimbita ko siya to watch our show. ‘Tapos, meron siyang kaibigang Pilipina. Tinanong ako kung kilala niya ako. Ayun nga, in-explain sa kanya nang bonggang-bongga!" nakakatawang kuwento ni Pokwang.

Nagustuhan ba niya talaga yung foreigner?

"Nilaro lang namin, actually. Akalain ko ba naman ano, nagpalitan na kami ng email-email. Dumudugo nga ang ilong ko dahil English!" tawa niya.

Mahal na ba niya yung guy?

"Okay lang. Normal lang. Ganun pa rin. Adik pa rin sa trabaho," sagot ni Pokwang.

May plano ba yung guy na sundan siya dito sa Pilipinas?

"Babalik kasi kami ulit sa Canada, sa Toronto. Ita-try daw niya ulit manood ng show kasi sobrang busy niya talaga."

Ano ang trabaho ng foreigner sa Canada?



"Sa mga luxury cars, consultant manager, something like that."



Kapag sinundan siya rito sa Pilipinas at suyuin siya na magpakasal, papayag ba siya?



"Malalaman kong seryoso siya sa akin kapag pinahinto niya ako sa pagtatrabaho at binigyan niya ako ng bonggang-bonggang buhay na kahit hindi na ako mag-artista. Pero sa ngayon, happy pa ako sa trabaho ko kaya huwag muna," seryosong pahayag ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN