Alfred Vargas dreams of another lead role in a teleserye

"I still hunger for more challenges sa pelikula, at sana magawa ko yung objective ko this year, na makaganap ako ng iba't ibang roles na talagang hindi makakalimutan ng mga manonood," says Alfred Vargas.



Palipat na ng ibang location si Alfred Vargas para sa taping niya ng My Only Love nang mahabol pa rin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Old Panaderos Street, Sta. Ana, Manila, para sa panayam na ito. Forty-eight hours straight na raw siyang nagtatrabaho at panakaw-nakaw lamang ang kanyang tulog.



"May nadagdag na isa pang show sa GMA-7 na pagkakaabalahan ko," balita ni Alfred. "Ito yung ESP, kasama ko sa cast sina Francine Prieto at Iza Calzado. Madugo rin ang taping. Umaga na kaming natapos, at saka ako dumiretso rito sa taping ng My Only Love. Super-low batt na nga ako."

Sabay bawi na ayaw niyang magreklamo dahil blessings pa rin ang mga natatanggap niya. Simula pa lang ito ng 2008, and yet, may maganda nang nangyayari sa career niya.



"Sabihin na nilang may pagka-ambitious ako, pero this year, ang hangad ko, makagawa ako ng teleseryeng ako ang magiging bida. Parang yung sa Muli na na-achieve ko naman, at yun ang umpisa ng pagtaas ng ratings ng Dramarama sa Hapon ng GMA.



"Matiyaga rin ako, e. At saka pinagtatrabahuan ko naman ang bawat alok na ibigay sa akin. As much as possible, kaya siguro hindi ako nawawalan ng trabaho sa GMA, professional naman ako at mabait, hindi sa pagbubuhat ng bangko," at natawa na lang si Alfred sa nasabi niya.



STILL JEALOUS. Ito nga siguro ang kapalit ng pagkabigo ng lovelife ni Alfred. May pagkakataong nakakaramdam siya ng selos kung napapabalitang nali-link si LJ Reyes sa iba.



"Pero ano pa ang magagawa ko?" tanong niya. "Matagal na kaming wala ni LJ. Hindi na rin ganoon kadalas ang communication namin. But that doesn't mean na we ended up fighting. We're still friends. Yun ang tiniyak kong set-up namin, kahit hindi na kami nagkikita at nagkakausap kung ikukumpara sa dati."



Inamin ni Alfred na kung nakararamdam siya ng depression, niyayaya na lang niya ang college friends niya from Ateneo para magliwaliw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"They keep me company, lalo kung wala akong showbiz commitments. But, as it is, kailangan ko ng pahinga ngayong tuluy-tuloy halos ang trabaho ko. Kaya lang, sometimes staying home adds to my depression. Kaya mas gusto kong lumalabas with my friends," lahad ni Alfred.

MORE MOVIE PROJECTS. Once a week lang maipalalabas ang ESP sa GMA-7, pero hindi biro ang taping nito. Suspense-drama-thriller ang tipo nito na papalit sa time slot which will be vacated by Magpakailanman na magpapaalam na sa ere.



"Sa TV kasi, kumpleto na ako bale. Mayroon akong comedy, yung Nuts Entertainment. Ang gusto kong magawa, malalaki at magagandang pelikula. Kahit indie films, basta maganda ang role ko, okay yung project, walang magiging problema sa akin.



"I was inspired by Banal. Magaganda ang reviews na nabasa ko about that movie. It earned modestly sa Metro Manila Film Festival, kaya happy na rin kami for the producer. Gusto kong mabigyan ng magandang follow-up 'yon. May mga pinag-aaralan akong projects intended for Cinemalaya, and hopefully, magawan ng paraan sa schedule ko," banggit ng aktor.



Nasubukan na ni Alfred ang lahat ng medium ng pagganap, pero masasabi niyang pampelikula talaga siya.



"I have tried theater sa Ateneo pa lang. Na-experience ko na bale. Then, sa TV, hindi ako nawawalan ng assignments. Pero iba ang fulfillment ng movies sa akin. I still hunger for more challenges sa pelikula, at sana magawa ko yung objective ko this year, na makaganap ako ng iba't ibang roles na talagang hindi makakalimutan ng mga manonood," nangingiting sabi ni Alfred.



NETWORK WAR. Sa trabaho nakatutok si Alfred, at ayaw na niyang mag-comment pa sa mga kontrobersiya gaya ng kasalukuyang umiinit na network war na may kinalaman diumano sa dayaan sa ratings.



"Of course, I'm proud to be a Kapuso," diin ni Alfred. "Pero kailangan kong magtrabaho. Masaya ako sa network na kinabibilangan ko. But I still believe, ang sentro ng problemang 'yan, yung warring networks talaga. Mga empleyado lang talaga kami na expected to be loyal to the network na nagpapala at nagbibigay ng trabaho sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa puntong 'yan, walang magagawang buti kung makikisawsaw pa ako sa problema. Bawat isa naman sa kanila, gumagawa ng paraan para ayusin ang reputasyon nila at credibility, kaya pabayaan na lang natin," paliwanag niya.

Aminado si Alfred na ang anumang bagay na sasabihin niya tungkol sa ABS-CBN ay pagmumulan lang ng kontrobersiya.



"It's not worth it, kasi nanggaling din naman ako sa ABS-CBN. Tama na yung klaruhin ko at this point, siyempre, ang loyalty ko goes to GMA-7. As simple as that," pagwawakas ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN