Star Magic talents Arron Villaflor and Aaron Agassi caught in a case of mistaken identity

The family of Arron Villaflor (left) are asking the family of Aaron Agassi (right) to settle a driving incident which Villaflor has nothing to do with in the first place.



Nahaharap sa isang kasong hindi naman niya ginawa ang Star Magic talent at champion ng U Can Dance Ver. 1 na si Arron Villaflor.

Nakapag-preliminary hearing na noong January 15 at January 22 si Arron at ang security guard na nagsampa ng kaso laban sa kanya. Nakatakda ang ikatlong pagdinig sa kaso bukas, January 29.



Sa opisina ng ABS-CBN Star Magic office naka-address ang subpoena ni Arron. Ayon sa affidavit na sinumpaan ng biktimang si Roberto Ogena, nabundol daw siya ng isang white Fortuner na may plate number na ZCE 969 noong December 8 ganap na 6:45 ng gabi sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas.



Si Roberto ay isang security guard ng Globe Telecom sa Bay Center, Makati. Sakay si Roberto ng kanyang bisekleta nung oras na ‘yon nang mabundol siya ng Fortuner. Tumilapon si Roberto.

Bumaba ang driver ng kotse na nakilalang si Dionisio Vargas upang alamin ang nangyari sa biktima. Nag-abot daw ng konting pera ang driver para panggamot at pang-X-ray ni Roberto nang madiskubreng gasgas lang ang pinsalang tinamo ng biktima.

Pagkatapos ay nangako ang driver na babalikan sa pinapasukang trabaho ang nabundol. Pero ang ibinigay na pangalan ng driver bilang nagma-may-ari ng kotseng Fortuner ay "Arron Villaflor" na artista ng Pedro Penduko at Star Circle Quest, imbes na sabihin ang tunay na may-ari na natuklasang naka-record sa Land Transportation Office (LTO) na si Aaron Agassi, nakababatang kapatid ni Carlos Agassi.



Kaya nang hindi tuparin ni Dionisio ang pangakong babayaran ang nayuping bisekleta ng security guard, nagalit si Roberto at nag-inquire siya sa Star Magic kung sino si Arron Villaflor na kasama sa Pedro Penduko.



Dahil sa impormasyong nakalap ni Roberto sa Star Magic, nagsampa siya ng kaukulang demanda laban kay Arron Villaflor instead of Aaron Agassi, na ipinagda-drive ni Dionisio nang maganap ang aksidente. Kasama rin ng nakababatang kapatid ni Carlos ang personal assistant niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kaya walang kamalay-malay si Arron nang una siyang nakatanggap ng subpoena sa isang kasalanang ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na mangyari sa kanyang buhay.



"Lumalabas na pinagtakpan ng driver ang among si Agassi at sinabing Villaflor para iligaw ang identity ng tunay na salarin," sabi ng source.



Nagduda pa ang kampo ni Arron na may intensiyong takbuhan ng driver at ni Aaron Agassi ang dapat nilang pananagutan. Ang balita raw kasi nagtatago na ang driver ng mga Agassi habang si Aaron naman at ang mommy niya ay kasalukuyang nasa Amerika.



Hindi raw kasi malinaw ang dahilan kung bakit biglang lumipad ang mag-ina papuntang Amerika, although sa pagkakaalam ng Star Magic, na siya ring nagma-manage kay Aaron Agassi, matagal nang balak ng mga Agassi na pumunta sa U.S.



Dahil dito, nananawagan ang mga Villaflor na sana ay ayusin ng mga Agassi ang nasabing pangyayari dahil sila ang nadididiin sa gastos at sa kaso na wala naman silang kaalam-alam. Mahirap lang daw ang mga Villaflor kaya isang Sportivo na kotse at hindi Fortuner ang kanilang sasakyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN