Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco: Headed for splitsville?

People are now speculating whether the report that Gretchen Barretto and partner Tonyboy Cojuangco have already separated is true or not. The couple remains mum about the said issue.



Matagal-tagal na ring usap-usapan sa mga blind items ang pakikipaghihiwalay diumano ng isang celebrity sa kanyang longtime partner. At nito ngang huli ay pinangalanan na ang sinasabing couple—sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco.

Ayon sa report, "third party" ang dahilan ng paghihiwalay ng landas ng dalawa. Si Gretchen ay may relasyon diumano sa abogadong si Dodie Puno. Nang matuklasan daw ito ni Tonyboy, pinalayas daw niya si Gretchen sa kanilang tahanan sa Dasmarinas Village, Makati. Hindi raw naisama ng aktres ang kanilang anak na si Dominique at maging ang kanyang mga gamit ay hindi niya nadala.

Si Dodie ay ang nakababatang kapatid nina Secretary Ronnie Puno ng Department of Interior and Local Government at Atty. Dong Puno na konektado sa ABS-CBN News & Current Affairs. Si Dodie rin ang ama ng anak ng dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion.

Bagama't wala pang naririnig na pahayag sa panig nina Gretchen at Tonyboy, marami ang nagsasabing totoo nga ang balitang hiwalay na sila. Lalo pang lumakas ang paniniwala na may problema sa relasyon nina Gretchen at Tonyboy dahil mismong ang mga malalapit na kaibigan ni Gretchen ay nagpapahiwatig ng dapat gawin ng kontrobersiyal na aktres.

Sa The Buzz kahapon, January 26, naging paksa ito ng mga host ng programa na sina Boy Abunda, Cristy Fermin, at Ruffa Gutierrez. Si Boy ay talent manager ni Gretchen at matalik na kaibigan din, gaya ni Ruffa.

Ang palitan ng mga salita nina Boy, Cristy, at Ruffa ay kaugnay nga ng mga kumakalat na balita tungkol sa paghihiwalay diumano nina Gretchen at Tonyboy. Narito ang kanilang usapan:

Boy: Gretch, if you're watching... Gretchen, kung ano ang laman ng iyong puso, kung ano ang nangyayari sa iyong buhay, malungkot o masaya, ako bilang kaibigan, I will always support you. I think that's the same feeling of Cristy and Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cristy: Sa akin, isa lang, batas ng buhay: Kung hindi ka na maligaya, lumabas ka.

Ruffa: Ako, ipagdadasal kita na piliin mo kung ano ang ikakasaya ng iyong puso.

Boy: Ako, mahal kita. I love you, Gretch.

Ruffa: Life is short, be happy.

Boy: It's also being judgmental, mga kaibigan. Kasi sometimes, inaakala natin alam natin ang nangyayari sa loob ng kuwarto, alam natin ang nangyayari sa loob ng puso ng isang tao. Gretchen is a beautiful person. Isang araw, maibabahagi namin sa inyo ang kuwento.

Cristy: Si Gretchen ang klase ng tao na anumang nagaganap sa kanyang buhay, nilalantad niya sa publiko. Kahit kailan po hindi siya nagsinungaling sa atin kaya minamahal siya ng mga tao.

Sa pag-uusap ng mga host ng The Buzz, malinaw na alam nila ang kasalukuyang pinagdadaanan ni Gretchen at lahat sila ay nakasuporta sa aktres. Hindi man nila direktang sabihin, kumpirmado ngang may problema sa pagsasama nina Gretchen at Tonyboy.

Samantala, may mga natatanggap ding impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bagong kontrobersiya na ito sa buhay ni Gretchen. Hindi lang isa ang nagsabi sa PEP na totoo diumano na madalas makita si Gretchen kasama ni Atty. Dodie Puno. Isang source ang nagsabi sa PEP na namataan daw ang dalawa sa Alchemy, ang club na pag-aari ng huli, na magka-holding hands dalawang buwan na ang nakalilipas.

Pero ayon pa sa mga nakausap ng PEP, hindi lamang si Gretchen ang may karelasyon kundi maging si Tonyboy. Base sa mga natanggap naming impormasyon, ang babaeng nauugnay kay Tonyboy ay empleyado raw ng pag-aaring TV station ng billionaire businessman, ang ABC-5.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ng ilan pang malalapit na tao kay Gretchen ang mga lumalabas na balita. Ang mga kapatid ng aktres na sina Marjorie at Claudine ay nagpahayag na maayos pa rin ang pagsasama nina Gretchen at Tonyboy. Isa pang malapit kay Gretchen ang nagsabi sa PEP na nakausap niya noong nakaraang linggo ang aktres at pinagtatawanan lamang nito ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May opinyon naman ang iba na baka isa lamang itong gimik para sa nalalapit na album ni Gretchen sa Star Records. Baka ginagamit lang daw ang personal na buhay ni Gretchen upang paingayin ang bagong showbiz-related project na ito ng aktres.

Sa katunayan, namataan ng ilang entertainment press si Gretchen sa ABS-CBN nitong weekend papunta sa kanyang meeting with the network's executive. Ayon sa kanila, masaya pa ang aktres na bumati sa kanila at walang bahid na nagpapakita ng kalungkutan dahil sa isang mabigat na problema.

Sa pagkakakilala ng publiko kay Gretchen, hindi ito kailanman nagsinungaling sa tuwing may ikinakabit na intriga sa kanya. Dahil nga sa pagiging totoo niya ay napapaaway siya kadalasan.

Hiwalay na nga kaya sina Gretchen at Tonyboy? Tanging si Gretchen ang makapagsasabi ng kasagutan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN