Lovi Poe insists Jolo Revilla is not yet her boyfriend

Young actress-singer Lovi Poe still denies reports that Jolo Revilla (inset) is already her boyfriend, despite being often seen together in sweet moments.



Kantiyaw ang inabot ng young singer-actress na si Lovi Poe mula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa patuloy na pag-deny niya sa relasyon nila ni Jolo Revilla. Marami kasi ang naniniwala na boyfriend na ng dalaga ang anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado dahil sweet sila parati tuwing magkasama.



Ipinaalaala rin ng PEP kay Lovi ang eksena sa lobby ng GMA-7, kung saan nakita silang magka-abrisiyete habang naglalakad. Ang babaw ng alibi ni Lovi na inaalalayan lang siya Jolo samantalang puwede namang sa kamay o sa siko siya hawakan ng binatang ama.



Hindi pa raw sigurado si Lovi kung kailan sasagutin si Jolo at kung sasagutin nga niya ito. Gut feel na lang ang kanyang paiiralin, pero nagpauna na ang dalaga na mabait daw si Jolo at sa bahay siya nililigawan nito. Importante raw sa kanya na pinupuntahan siya ng young actor sa bahay at dun daw nakikitang nirerespeto siya nito.



Hindi pa maisip ni Lovi kung lalabas sila ni Jolo sa Valentine's Day dahil wala pa raw itong sinasabi sa kanya. Bahala na rin daw si Jolo kung saan siya ide-date at hindi rin siya nag-e-expect ng regalo dahil last Christmas, niregaluhan na raw siya ng young actor.



"Namatay ang alaga kong Pomeranian [dog] at pinalitan niya ng ganun ding breed. Pinangalanan kong Baby J, sunod sa pangalan ni Jolo. Hindi naman siya nagalit," natatawang kuwento ni Lovi.



Less than two weeks na lang sa ere ang Zaido, pero ayaw pang sabihin ni Lovi ang next project niya sa GMA-7. Hindi siya pinayagan na ipaalam sa press kung saang show ilalagay, pero nagulat siya nang banggitin ng PEP ang title ng show na posibleng sasamahan niya. Kunwari lang dedma si Lovi at "talaga" lang ang nasabi nito.



Bilang pangwakas na tanong, inalam ng PEP kay Lovi kung posible ba siyang mag-cover sa FHM Magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I have no plans dahil ‘pag ginawa ko ‘yon, babangon si Papa ko," sagot ni Lovi, na ang tinutukoy ay ang yumao niyang ama na si Fernando Poe Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN