Dennis Trillo still standing after the storm

Matinee idol Dennis Trillo experienced one of of the most difficult times of his young life last year. First he became a young father, then he was caught in a love triangle, and he had to fight to see his own son. But Dennis was able to overcome and is now friends again with ex-girlfriend Carlene Aguilar.



Aminado ang matinee idol na si Dennis Trillo na kinabahan siya sa maaaring naging epekto sa career niya at sa personal niyang buhay ng mga negatibong kontrobersiya sa kanila nina Carlene Aguilar at Cristine Reyes. Ito ang ipinagtapat ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang saksihan namin ang mall tour kaugnay ng promosyon ng kanyang All Out of Love album under IndiMusic sa SM Pampanga noong Linggo, Enero 27.

Ayon kay Dennis, hindi naging madali sa kanya na dalhin sa kanyang kalooban ang matinding agam-agam na posibleng itakwil nga siya ng publiko dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya. Marami kasing dagok ang nagdaan sa kanyang career at ang una nga ay noong paratangan siyang lalaking walang paninindigan dahil sa hindi niya dagliang pag-amin noon na siya ang ama ng dinadala ni Carlene.



Sumunod dito ang isyu naman sa pagitan nina Cristine at Carlene na umabot sa isang matinding kumprontasyon sa pagitan ng dalawang babae. Nang naayos na ito, yung away-bati naman nina Dennis at Carlene tungkol sa visitation rights ng young actor sa anak. Hindi raw kayang pangatawanan ni Dennis ang kanyang anak dahil mula sa nga bintang noon ni Carlene, wala itong panahon sa bata at higit sa lahat, ayaw nitong bigyan ng tamang sustento ang bata.



Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagpababa ng self-esteem ni Dennis at umabot nga sa takot na baka pati career niya ay naapektuhan na.



"Pero wala na po ito ngayon," bungad na salita ni Dennis. "Nakita ko kasi sa lahat ng mga mall tours ko at sa ilang pang personal appearances, mainit ang nagiging pagsalubong nila sa akin. Kaya nga nawala yung takot ko. Sabi ko, naniniwala naman pala sa akin ang tao dahil heto nga, talagang nandiyan pa rin ang mga taong sumusuporta sa akin."



Saksi kami sa sinabi ni Dennis. Talaga namang sigawan, tilian at hindi magkamayaw ang libu-libong taong nagsiksikan sa Activity Center ng SM Pampanga. Lalo pagkatapos ng kanyang performance, pumirma ng autographs si Dennis at talagang nagsiksikan na ang mga tao para makaabot sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Isa ito sa mga mini-concert na dumagsa ang mga tao," sabi ng isa sa mga namahala ng show. "Maraming dumating na artists dito, pero talagang bilib kami kay Dennis dahil napakaraming taong dumalo."



CARLENE & CRISTINE. Dahil nga kausap na namin si Dennis, sinamantala na rin namin ang pagkakataon na itanong sa kanya ang estado ngayon ng relasyon nila ni Carlene.



"Nagkakaintindihan na po kami, we settled things over at balik na po kami sa dati. Magkaibigan na po kami," masaya niyang pagbabalita.



"I am glad dito rin nauwi yung lahat. At least for now, nag-uusap na kami about our child [Calix Andreas] and, most of all, I can now visit my child. Basta araw-araw gusto ko talagang makita ang bata. Kung may taping o ibang lakad ako, I find time na mapuntahan ko muna siya," sabi pa ni Dennis.



Paano na ang sustento niya sa bata, ibinibigay na ba niya ang halagang gusto ni Carlene?



"I love my child, natural lang yun na ibigay ko ang nararapat. Para ‘yan sa anak ko, so I guess yung tama talaga ang ibinibigay ko," saad ng matinee idol.



May pag-asa bang magkabalikan sila ni Carlene?



"Hindi po ‘yan ang isyu ngayon," pag-iwas niya. "At least, we can now talk, maayos na kami. Pero ayokong pangunahan ang maaaring mangyari. I cannot say na magkakabalikan pa kami, pero ang maganda, heto kami, nag-uusap at magkaibigan na kami."



Paano na si Cristine? Kumusta na ang relasyon nila ngayon?



"Matagal ko na pong inamin ‘yan, but for now, mas maganda po yung tahimik lang. Mas tama siguro na huwag na muna akong magsalita tungkol diyan. Pareho kaming concentrated sa trabaho at di maganda na magiging magulo na naman. Tama na po siguro na sabihin kong she is a very special and wonderful girl. Yun na lang po ang puwede kong masabi sa inyo," sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOOKING FORWARD. Tungkol naman sa kanyang career, malaki ang paniniwala ng young actor na pagkatapos ng Zaido na malapit nang magwakas, muli siyang pagkatiwalaan ng GMA 7 ng isa pang teleserye.



"May mga negosasyon na po, pero hanggang doon lang po. Ayoko silang pangunahan. Ang sigurado, meron pa po akong gagawin para sa kanila," paniniguro ni Dennis.



Wala pa ba siyang balak na lumipat ng TV station sa gitna ng mga lipatang nangyayari sa magkabilang network?

"Kuntento na po ako rito sa GMA 7. Maganda po ang trato nila and at this point, wala po akong balak na iwan sila. This is one station na nag-alaga sa akin at hindi ko sila puwedeng iwanan," pagtatapos ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN