Jeremy Marquez and Ehra Madrigal playing sweet music together?

Ehra Madrigal and Jeremy Marquez were guests at GMA-7 executive Redgie Magno-Acuna's birthday celabration last January 9. Eyewitnesses say the two never left each other's side throughout the night and even went home together.



Sa gitna ng isyu sa pagitan nina Jeremy Marquez at Alessandra de Rossi, may natisod na balita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa young actor-politician.

Hindi naman kasi kaila na malapit sa mga kababaihan ang panganay na anak ni Joey Marquez. Ang latest na pinopormahan daw ni Jeremy ay ang young sexy actress na si Ehra Madrigal, na balitang nakipag-break na sa kanyang datingboyfriend na si Mike, miyembro ng all-male singing group Akafellas.

Isang source ang nagbalita sa PEP na nakita niya mismo kung gaano kalapit sa isa't isa sina Jeremy at Ehra sa birthday party ng GMA-7 executive na si Ms. Redgie Magno-Acuña noong January 9 sa Imperial Palace Suites.

Kuwento ng source na dumalo rin naturang birthday party, ang akala niya ay dahil magka-table sina Jeremy at Ehra kaya panay ang kuwentuhan nila. Pero habang lumalalim ang gabi ay napansin niyang kakaiba na ang mga kilos ng dalawa.

Kung ilang beses na raw nagpaalam si Ehra na uuwi na siya, pero hindi siya makaalis-alis dahil hindi pa rin umaalis si Jeremy, na ayaw naman daw pauwiin ng birthday celebrator.

Nahilingan ding kumanta sina Jeremy at Ehra sa stage, kasama sina Marco Alcaraz at Paolo Paraiso. Kahit na hindi ganun kaganda ang boses ni Ehra ay pinaunlakan pa rin daw nito ang mga taong nag-request na kumanta siya.



Kitang-kita kung gaano nag-enjoy sina Jeremy at Ehra kaya't naparami ang kinanta nila at sinamahan pa nila ng sayaw.

Habang sumasayaw si Ehra at ang isang broadsheet writer ay napatalikod ang dalaga habang patuloy naman sa pagsasayaw ang manunulat. Nang bumalik si Ehra at sa aktong may ibubulong siya sa writer, nagkalapit ang mga mukha nila at nagtama ang kanilang mga labi. Napasigaw si Ehra at nasampal niya ang writer, sinabing "Ninakawan mo ako ng halik!" Nabigla naman ang writer at napahinto sa pagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang nagaganap ang eksenang ito ay nakita raw ng aming source na napatingin kina Ehra at sa writer si Jeremy na hindi maipinta ang mukha.



Pagkatapos ng kantahan at sayawan ay balik sa kanilang upuan sina Jeremy at Ehra at sandaling namahinga. Pero tuloy ang kantiyawan sa dalawa ng mga kasamahan nila at pina-pose sila para makunan ng litrato. Kaya lang ay ayaw magpakuha ni Jeremy na silang dalawa lang ni Ehra kaya isinama nila sina Marco at Paolo.

Ilang sandali pa ay narinig ng aming source na nagpapaalam si Ehra na uuwi na, pero hindi na naman ito pinayagan ng isa sa anak na lalaki ni Ms. Redgie na tila may gustong sabihin. Bumulong na lang si Ehra kay Jeremy na umuwi na raw sila, pero narinig ito ng anak ni Ms. Redgie kaya muli silang pinigilan.

Tawa nang tawa ang ibang mga bisita dahil ilang beses nang nagpaalam si Ehra, pero hindi siya makaalis-alis. Duda ng ilang mga bisita, kaya hindi makauwi ang dalaga ay dahil ayaw niyang umuwi nang hindi kasabay si Jeremy.

Samantala, ayon pa sa isang witness, narinig niyang niyaya ni Jeremy si Ehra na sa kanya nalang sumabay pag-uwi at pasunurin na lang ang driver ng young sexyactress.

Hindi nagtagal, pumunta ng comfort room si Ehra kasama ang road manager niyang si Jimmy. Pagpasok ng CR ay narinig ng aming source na tumitili ang dalawa at tila kinikilig.

Paglabas ng CR ay lumapit na sina Ehra at ang road manager nito kay Jeremy at tinanong kung uuwi na nga ba sila. Pero natagalan ulit bago nakauwi sina Ehra at Jeremy dahil nahilingan sila uling kumanta. Kasabay nang umuwi ng dalawa ang karamihan, na inabot na ng madaling-araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN