Aiko Melendez enjoys special friendship with Bulacan vice mayor

"Mahirap akong magmahal uli kaya dapat maging wiser na. I'm wiser natalaga. I don't wanna rush things, I wanna keep my time, I wannaexplore, I wanna meet new friends without getting involved and withoutgiving much of what I have," says Aiko Melendez.



Itinanggi ni Aiko Melendez ang balitang boyfriend na niya ang vice mayor ng Bulacan, Bulacan, na si Patrick Meneses. Ayaw niya ring diretsahang sabihin kung nanliligaw ito sa kanya bagama't ilang beses nang nakitang magkasama ang dalawa.

"Bakit hindi siya ang tanungin ninyo? Ang pangit naman kasi kung sa akin manggagaling, hindi ba?" nakatawang saad ng konsehala ng 2nd district ng Quezon City sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang usisain namin tungkol dito.

"Hindi ako in-love, baka siya [Vice Mayor Meneses] ang in love sa akin?" natatawang dagdag niya.

Nilinaw pa ng actress-politician kung paano sila nagkalapit ng naturang pulitiko.



"Naku! Nako-conscious ako, hindi ako puwedeng magsinungaling dahil nandito si 'Nay Malou [Choa-Fagar]," sabay turo ni Aiko sa lady executive ng TAPE Inc. na nakaupo sa tapat niya.

Patuloy niya, "Kasi noong nakaraang election... Ayan, nandito si ‘Nay Malou, tinulungan siya [Meneses] nina ‘Nay Malou noong nakaraang election. Nagpadala nga sina Tito Tony Tuviera ng SexBomb Girls noon para sa kanya.

"Also, hindi ba, we're both in politics and there was a time na classmate ko siya sa UP [University of the Philippines]? Matagal na kaming magkaibigan, even before yung breakup pa with Martin [Jickain, Aiko's estranged husband], we've been friends for the longest time," paliwanag ni Aiko.

Pero bakit kaya madalas silang magkasama ngayon ni Vice Mayor Meneses?

"Kasi, you know how it is naman kapag you're secure of the friendship that you have. You don't have to be scared of, you know, being seen. Kasi alam ninyong wala kayong ginagawang masama, hindi ba?" pahayag ni Aiko.

Alam ba ito ni Martin?

"Alam n'yo nga, e, di alam din ng buong mundo!" pabungisngis na tugon niya.

Hindi kaya mag-react si Martin dahil dito?

"Alam n'yo, sa maniwala kayo o hindi, wala pa kaming commitment [ni Meneses]," paglilinaw ni Aiko. "We're enjoying each other's company. Kasi sa mga past relationships ko, siguro one thing I've learned in it is yung nag-last yung friendship, e. So this is one thing I want to treasure and want to keep, yung friendship. Kasi alam mo, kapag naghiwalay kayo, ang hirap manumbalik yung friendship, di ba? So at least kami, kahit ano man ang mangyari, mayroon kaming foundation na strong, which is friendship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Aiko na mas magiging maingat at mas matalino na siya sakaling magmamahal siyang muli.

"Mahirap akong magmahal uli kaya dapat maging wiser na. I'm wiser na talaga. I don't wanna rush things, I wanna keep my time, I wanna explore, I wanna meet new friends without getting involved and without giving much of what I have. Kasi, di ba, ang sabi nila kapag nagmahal ako... I'm sorry, pero para raw akong bakla. All mine to give, di ba?

"And I want to make it different this time, I wanna love myself and, you know, I have two children who [are] there to support me and to love me. So I wanna take my time and give my attention to them," saad ni Aiko.

Yung iba, kapag ayaw sabihing may understanding sila, sinasabi nilang they're just exclusively dating. Ganoon din ba sila ni Vice Mayor Meneses?

"Ang tanda ko na para doon, ‘no!" natatawa niyang sabi. "Dalawa na ang anak ko para sabihin ‘yang exclusively dating na ‘yan. Basta kami, nag-e-enjoy kami sa company ng isa't isa without getting involved and without plunging into something really serious. I can't say that, you know, we're not serious to each other, kasi para naman akong ano nun, e... Kumbaga, we wanna take our time."

Pero open ba siya sakaling mapunta into something more special ang kanilang friendship?

"Mayroon namang ganoon, di ba?" sagot niya. " Mayroon naman talagang ganoon, e. Kung talagang mangyayari, it will happen. Things will happen for a reason. So when that time comes na mangyayari ang lahat ng bagay, e, di mangyayari, di ba?"

Kapag dumating ang time na muli siyang ma-in love, hindi kaya siya matakot o mag-alala na baka maging failure ulit ito?

"Kasi there is no such a thing as being ready for anything, di ba? When things will happen, it will just happen. Hindi nga ba sabi nila, when you plan things, parang yung gusto mong mangyari talaga, hindi naman nangyayari. Ako, yung marriage ko with Martin, I said that it was going to be my last, but it didn't happen. So now, I would just take my time, take things on a day-to-day basis and it will just happen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware ba siyang sa baseball, kapag ang player ay na-strike three, out na ito? Sa palagay kaya niya ay ganoon din pagdating sa larangan ng pag-ibig?

"Aware ako doon, pero hindi ako nag-aalalang ma-strike three," sambit niya. "Kasi every time nadadapa ako, bumabangon ako and it will make me a better person. And people can judge me that this is my third time or whatever. But at the end of the day, my happiness is still what really counts.

"Fighter ako, e. I mean, ‘pag sinabing Aiko Melendez, fighter. Pero of course, ayokong ma-strike three. Anyone naman would wanted na sana wala nang strike three, na kung ito na, ito na," nakangiting pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN