Cristine Reyes talks about her bold movie produced by Ara Mina

"Mas pressure siya sa akin dahil yung Ate ko, nag-produce para saakin. So, ma-pressure ‘yon kasi kailangan kong pagbutihan, hindi langpara sa akin kundi para rin kay Ate. Kaya okay lang magpaseksi atibigay lahat, magpaka-daring," says Cristine Reyes about the film Ate, which her sister Ara Mina produced for both of them.



Malapit nang ma-packup kagabi, January 29, ang last shooting day ng indie film na Ate sa V. Luna Road, Quezon City, nang dumating ang kontrobersiyal na young actress na si Cristine Reyes, na kasama rin sa pelikula. Walang eksena si Cristine sa shooting, pero pumunta siya para humarap sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na naimbitahan sa shooting ng first movie nila together ng kapatid niyang si Ara Mina. Producer ng naturang pelikula si Ara.



"Very grateful nga po ako kay Ate kasi ever since nagsimula ako mag-artista, gustung-gusto ko magkaroon ng movie na serious drama talaga, like nung ginawa ni Ate sa Mano Po, yung parang ganun. So, haping-happy ako nung nag-produce si Ate, ‘tapos eto ang script, parang wow! Dream come true na sa akin," nakangiting simula ni Cristine.



Totoo ba na mas marami siyang sexy scenes sa movie nila kesa kay Ara?



"Opo," pagkumpirma niya. "Marami po. Okay lang po kasi inalagaan naman ako ni Direk Lore [Reyes] and sobrang tiwala ko kay Direk."



Gaano ka-sexy ang mga eksena niya rito?



"Basta sexy siya, pero hindi siya basta kinunan. Parang talagang fineel ko yung character," sabi niya. Magkapatid din ang role nina Ara at Cristine sa Ate at mai-involve sila sa iisang lalake, na ginagampanan ni Paolo Paraiso.

May kaba ba siya sa paggawa ng sexy scenes?

"Kasi bago mag-start ng shooting, nagkaroon kami ng intimate workshop. I mean, hindi naman ginawa actually, parang getting to know each other kaming cast, lalung-lalo na kaming dalawa ni Ate dahil ito yung first work namin na medyo ilang kami sa isa't isa," sabi ni Cristine.



Kumusta naman ang kaeksena niya sa love scenes sa movie na si Paolo Paraiso? Natakot ba siya?



"Hindi naman po natakot kasi inalagaan naman ako ni Paolo, e," sagot ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hanggang saan ang ipinakita niya sa pelikula?



"More legs, pero hindi po ako nagpakita ng dibdib."

Hindi ba siya nagwo-worry na maiiba na ang image niya sa movie at maka-categorize siya as a sexy star?

"Yung worry, nandun po ‘yon pero kasi ano, e, may seksi pero may halong akting naman siya. So I'm proud of it. As sexy star naman, okay lang po. Pero sana ga-graduate rin ako doon. Parang stepping stone ko lang po," paliwanag niya.



SISTER ACT. Anong klaseng producer ang Ate Ara niya?



"Before pa, nagpa-plano siya noon. Pero pagdating kasi sa set, hindi siya producer, artista siya, parang co-worker din. Parang hindi ko nga Ate, parang katrabaho, parang okay."



Ginawa raw ni Ara ang movie para maipakita ni Cristine ang kanyang talent sa pag-arte, higit sa pagpapaseksi.



"Mas pressure siya sa akin dahil yung Ate ko, nag-produce para sa akin. So, ma-pressure ‘yon kasi kailangan kong pagbutihan, hindi lang para sa akin kundi para rin kay Ate. Kaya okay lang magpaseksi at ibigay lahat, magpaka-daring. ‘Tsaka kailangan din kasi hindi siya basta-basta movie lang," pahayag ni Cristine.

Kinabog daw niya ang Ate Ara niya sa movie, mapa-akting, ganda, at kaseksihan?



"Actually, si Ate, siya yung mino-motivate pa niya ako minsan. So kung magalingan man sila sa akin dito, with the help din of my Ate," aniya.

Inamin ni Ara sa amin na mas maganda sa kanya si Cristine. Agree ba siya?



"Ngeee! Ibang beauty ‘yon. Magkaiba kami. Pero thank you."



WILLIE REVILLAME. Alam ba ng rumored suitor niyang si Willie Revillame ang mga maiinit na eksena niya sa Ate?

"Bakit may ganun?" nakangiting sabi ni Cristine. "Tinanong niya ako once, ‘May love scene ka ba diyan?' Sabi ko, ‘Oo.' Wala lang, yun lang."



Sa tingin niya, nagselos si Willie?



"Hindi ko alam," sagot ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero bakit nagtanong sa kanya si Willie ng ganun?



"Natanong lang niya kung kumusta yung movie. Pero kung gusto niyang makita, e, di manood siya."



Paano kung makaramdam ng selos si Willie sa mga love scene nila ni Paolo?



Natawa muna si Cristine bago sumagot. "Wala na akong magagawa doon," sabi niya.



Ano ang na-feel niya na ilang beses na lumabas sa lie-detector test sa Showbiz Central na nagsinungaling siya sa kanyang mga sagot, lalo na ang tanong kung nanliligaw sa kanya si Willie?



"Ang sagot ko 'No', kasi hindi naman siya nanliligaw, e. Hindi ko po alam kung bakit nag-lie yung machine," paliwanag niya.



Pero ang Ate Ara ni Cristine mismo ang nagsabi na nanunuyo sa kanya si Willie. Ano ang masasabi niya rito?



"Kasi para sa akin, hangga't hindi po ako pumayag... Kasi yung mga lalaki these days, hindi na sila nagpapaalam kung puwede silang manligaw. Parang nagpaparamdam lang siya. So hindi ko masasabi ‘yon na nanliligaw. Pero nandun nga siya palagi [sa shooting]. Minsan nagugulat ako darating sa set, ganun. So hindi ko rin masabi. Ayokong mag-assume na nanliligaw yung tao," lahad ng StarStruck 1 Avenger.



Kung magsabi sa kanya si Willie na nanliligaw na nga siya sa kanya, sasagutin niya ba ang TV host-comedian?



"Hindi ko alam," sagot niya. "Parang katatapos lang ng relasyon ko sa isang guy ‘tapos another na naman. Kumplikadong situwasyon ulit. Enjoy ko muna itong pagiging single ko ngayon at medyo nawala rin ako sa ano, aasikasuhin ko rin yung career ‘tsaka itong Ate dahil sobrang proud ako sa movie na ito."



Idi-discourage ba niya si Willie kapag nanligaw sa kanya ito?



"Hindi ako namimili kaya lang, sa ngayon po, wala muna akong tatanggpin kahit si Willie po," diretso niyang sabi.



Ano ang ibig sabihin noong siya ang huling nagbigay ng message sa birthday presentation ni Willie sa Wowowee noong Sabado, January 26?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Natawa nga ako doon, e!" bulalas ni Cristine. "Sabi nga ni Ate sa akin, ‘Ang haba ng message mo, ha.' Tinext niya ako. ‘Tapos huling-huli pa raw. Ang daming nag-text din. E, di ko naman alam na ihuhuli rin ako. Siyempre kasi, sila naman ang nag-edit nun, di ba?

"Pero kasi yung interview sa akin, magme-message ako na 'Happy birthday', ganyan-ganyan. Tapos magbigay daw ako ng something, medyo mahaba-haba. E, wala akong masabi. Kaya ang ginawa na lang, nagtanong na lang sila sa akin. So yung tanong nila, sinagot ko lang kaya mahaba siya," paliwanag niya.

DENNIS TRILLO. Ano ang reaksiyon ni Dennis Trillo sa pagkaka-link niya kay Willie? Napag-uusapan ba nila ito?

"Hindi ko rin po alam," matipid niyang sagot.

Nanghihinayang ba siya na hindi natuloy si Dennis na makasama sa movie at napalitan ni Paolo?



"Opo,kasi nakatrabaho ko na siya before dahil magaling siya," prangkangsagot ni Cristine. "Pero okay lang din na si Paolo ang ipinalit kasihindi ko pa siya nakaka-work, e . So, para maiba rin."

May communication pa rin ba sila ni Dennis?

"Meron pero hindi ko na po alam kung ano reaksiyon niya. Hindi naman niya sinasabi kasi ano, nag-uusap kami pero hindi naman lahat ng bagay sinasabi niya."

Ano ang pinag-uusapan nila ni Dennis?

"Hindi, ano lang, hi and hello lang."

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Dennis at sinapit niya sa ina ng anak ng aktor na si Carlene Aguilar, nakikipag-usap pa rin siya sa young actor na minsang naugnay sa kanya?



"Ano lang, friends lang. Pero sa ngayon, hindi muna kami open sa relasyon ulit."

Hindi ba niya naiisip na ang impression sa kanya ngayon ng mga tao ay very open siya sa mga lalaki?



"Hindi ko alam," sagot niya.



Posible kaya na kaya hindi makapagtapat ulit si Dennis ng intensiyon sa kanya ay dahil kay Willie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala na si Willie. Tapos na ‘yon. Alam naman ng mga tao na hindi siya nanliligaw, e. Para sa akin kasi, hindi siya nanliligaw. Kasi susulpot, ‘tapos mawawala," mariin niyang pahayag.



Ayaw ba niya kay Willie?



"Hindi ko sinasabing ayaw. Sinasabi ko kanina, hindi pa ako open sa mga manliligaw," giit niya.



Bakit may mga pagkakataong nakikita siya sa loob ng dressing room ni Willie?



"Ay, yung time na ‘yon, may meeting po kasi kami doon at kung anuman ‘yon, hindi ko pa puwedeng ipalaam."



Totoo bang tinutulungan siya ni Willie sa kanyang career?



"Siguro po, pero kasi hindi lang naman siya ang tumutulong. Hindi ko kasi puwedeng sabihin kung sino. Kasama lang siya palagi nung talagang tumutulong sa akin," aniya.



SWITCHING CHANNELS? Ngayong nasa ABS-CBN na ang Ate Ara niya, posible bang lilipat na rin si Cristine sa Kapamilya network?



"Sa ngayon kasi, medyo mahirap magsalita dahil wala pang siguradong sagot sa mga tanong. Hindi ko po masasagot kasi wala pang sigurado. May option to renew po ako sa kanila [Artist Center] kaya hindi ko pa po masasagot kung ano talaga ang magiging desisyon, kung anuman ang kahihinatnan nito," bitin na pahayag ni Cristine.



Kung wala siyang option to renew sa GMA Artist Center, gusto ba niyang lumipat sa ABS-CBN?



"Kung saan yung mas gusto kong mapunta ang career ko. I mean, gusto kong maging serious actress. Kung sino po ang makakapagbigay sa akin ng ganung project," makahulugang pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN