Dennis Trillo: "I have learned my lessons."

"Tahimik na po muna ako at ang puso ko. Mas maraming magagandang bagay na dapat kong pagkaabalahan ngayon," says heartthrob Dennis Trillo.



Masaya at panay ang ngiti ng young actor na si Dennis Trillo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving dinner ng Zaido: Pulis Pangkalawakan sa executive lounge ng GMA Network Center last Monday, Janury 29. Nasa last two weeks na ang Zaido at nagpapasalamat sila na napanatili nito ang mataas na rating since nagsimula sila noong October 1, 2007.

"Totoo po, masaya na ako talaga ngayon dahil naayos ko na ang lahat ng mga naging problema ko noon," nakangiting wika ni Dennis. "Nagsimula po ang taon namin ni Carlene [Aguilar, his ex-girlfriend] na maganda dahil nagkasundo na kami sa lahat ng bagay, lalo na yung tungkol sa aming anak na si Calix Andreas. Basta po wala akong trabaho, free ako anytime na dalawin si Calix."

Hindi maiwasang matanong kay Dennis ang dating girlfriend na si Cristine Reyes, na nali-link naman ngayon sa TV host-comedian na si Willie Revillame.

"Friends pa rin po kami ni Cristine," diin ni Dennis. "Paminsan-minsan, nagti-text pa rin kami, nagkukumustahan lang, wala na pong iba. Tungkol po sa ibang issues, ayoko nang panghimasukan pa ‘yon. Tahimik na po muna ako at ang puso ko. Mas maraming magagandang bagay na dapat kong pagkaabalahan ngayon."

May natutunan ba siya sa nangyari sa kanya?

"Yes, I have learned my lessons at siguro po, kung anuman ang mga darating pang intriga sa akin—na sana po naman ay wala na—kayang-kaya ko na ito dahil sa palagay ko, napagdaanan ko na ang pinaka-worst na pangyayari sa aking buhay," pahayag ng young actor.

Ano ang susunod na project niya sa GMA-7 pagkatapos ng Zaido?

"Ngayong matatapos na po ang taping namin ng Zaido, medyo magpapahinga muna ako dahil nagkasunud-sunod din po naman ang trabaho ko. Pero sa February 19, aalis po kami nina Jolina [Magdangal] at Yasmien [Kurdi] para sa shows namin sa Las Vegas at San Francisco. Second time ko na po ito na pumunta sa States, at first time kong pupunta sa Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero one week lang daw kami dun kasi kailangan naming bumalik agad dito dahil pare-pareho po kaming may trabaho. Isang soap daw ang gagawin ko after Zaido. Pahinga muna ako sa telefantasya dahil magkasunod yung Super Twins at Zaido. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin ang title ng bagong soap namin, pero pagbalik ko, magte-taping na raw kami. Tuloy pa rin po ang pagpu-promote ko ng debut album ko [All Out of Love], dahil hindi ko madalas nagagawa ito. May conflict kasi sa taping schedules ko," lahad ng actor-singer.

Any upcoming movie?

"May naka-schedule na rin daw akong gagawing movie sa Regal, na makakasama ko sina Marian Rivera at Jake Cuenca. Hindi ko lang alam kung kailan kami magre-resume ng shooting ng Kulam namin ni Judy Ann [Santos]. Hindi po kasi magtagpo ang schedules namin. Ngayon pong libre ako, busy naman siya," nakangiting pagtatapos ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN