Polo Ravales wants long-term relationship after Ara Mina

"Ang dami ko kasing trabaho ngayon. Baka kung magge-girlfriend ako ngayon, baka hindi ko lang siya mabigyan ng time," says Polo Ravales about looking for new love.



After his failed relationship with Ara Mina, wala pang nababalitang bagong karelasyon ang sexy actor na si Polo Ravales. May iniuugnay mang ibang babae kay Polo, wala siyang naging girlfriend sa mga ito.

Ano nga ba ang dahilan at hanggang ngayon ay hindi pa ulit pumapasok sa isang serious relationship si Polo?

"Siguro masyado na akong mapili ngayon sa magiging girlfriend at dahil na rin sa work. Ang dami ko kasing trabaho ngayon. Baka kung magge-girlfriend ako ngayon, baka hindi ko lang siya mabigyan ng time," paliwanag ni Polo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Maging Akin Ka Lamang sa Vermont Park sa Antipolo last Tuesday, January 29.

Nilinaw ni Polo kung bakit nasabi niyang mapili na siya ngayon sa susunod na magiging girlfriend.

"Gusto ko lang siguraduhin na this time, pangmatagalan na yung magiging girlfriend ko, yung alam kong talagang kami na ang magkakatuluyan. Gusto ko seryosohang relasyon na talaga. At gusto ko sana, non-showbiz na," aniya.

Almost two years nang hiwalay sina Ara at Polo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakapag-usap. Kailan ba balak ni Polo na kausapin si Ara para magkaroon na ng closure ang hiwalayan nila?

"Hindi ako gagawa ng way, hindi ako mag-e-effort na kausapin siya," diin ni Polo. "Pero kung magkikita kami halimbawa sa isang lugar, baka doon ko na lang siya kakausapin. Kung panahon yung magde-decide, kung mangyayari, mangyayari, di ba?"

Hindi pa rin malinaw sa lahat kung ano ang pinag-ugatan ng hiwalayang Polo at Ara. Hindi nagsasalita tungkol dito ang dating magkarelasyon. Kahit anong pilit ng PEP kay Polo para sabihin na kung bakit naghiwalay sila ni Ara, ayaw pa rin niyang magbigay ng detalye.

"Matagal na naman kasi kaming hiwalay ni Ara kaya hangga't maaari ay ayoko nang mapapag-usapan pa ang tungkol doon," pag-iwas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN