Dingdong Dantes feels insulted by rumor that he has a gay benefactor

"Ang ginastos ko sa Christmas party, naipon ko ‘yon sa may eight yearsko na sa showbiz. Iyon ang first time kong nagbigay ng party at kunggusto nila i-check nila ang record at kung ano ang mode of payment ko.Pinaghirapan kong kitain ang perang ‘yon. Kung kanino man galing angintrigang ‘yon, bahala na lang sila sa buhay nila," explains Dingdong Dantes about a blind-item report that his Christmas party for the press last year was



Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa taping Marimar sa Punta Uian, San Antonio, Zambales, last Tuesday, January 29. Medyo light lang ang eksenang kukunan sa kanila ni Katrina Halili—ang kanilang wedding scene—kaya nakipagkuwentuhan muna siya sa mga dumalaw sa set.

Sinamantala na namin ang pagkakataong tanungin si Dingdong sa hindi matapus-tapos na blind item, na obviously naman ay siya ang tinutukoy, na kaya siya nakapagbigay ng bonggang Christmas party and raffle last year ay dahil may gay benefactor diumano siya.

"Nakarating na nga sa akin ‘yon, ayoko na lang patulan," sabi ni Dingdong. "Pero nainsulto po ako roon, it's really an insult to me. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi nilang rich gay businessman na benefactor ko."

Sinabi ng PEP kung sino ang tinutukoy na businessman.

"Hindi ko siya kilala," giit niya. "Ang ginastos ko sa Christmas party, naipon ko ‘yon sa may eight years ko na sa showbiz. Iyon ang first time kong nagbigay ng party at kung gusto nila i-check nila ang record at kung ano ang mode of payment ko. Pinaghirapan kong kitain ang perang ‘yon. Kung kanino man galing ang intrigang ‘yon, bahala na lang sila sa buhay nila."

Samantala, may nagtanong din kay Dingdong kung bakit wala siya sa SOP last Sunday, January 27.

Kuwento niya, "Bumigay na rin po ako sa pagod, sunud-sunod na taping, at kinailangan kong mag-diet for one week dahil sa isang photo shoot. ‘Tsaka kagagaling lang namin ni Karylle [Dingdong's girlfriend] sa Cebu last Saturday [January 26], nag-show kami Cebu Casino Filipino doon.

"Maaga kaming umuwi para nga sa SOP, pero hindi ko na talaga kinaya. May fever ako kaya nagpahinga na lang muna ako. Kinabukasan kasi, nag-taping na kami ng Marimar, hanggang sa ngayon."

Totoo ba ang lumabas na balitang bawal silang magkasama sa frame ni Karylle sa SOP?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po naman totoo ‘yon," tanggi niya. "May time lang talaga na hindi kami nagkakasama sa paghu-host kasi iba-iba naman ang segment namin. Minsan wala din siya o ako sa show dahil may previous engagement na kami."

Kumusta naman sila ni Karylle? May Valentine gift na ba siya at saan nila balak mag-date?

"Okay kami at okey din ang takbo ng Centerstage namin [a videoke place she and Karylle partly own], maganda na ang returns nito lalo na noong Christmas. Wala pa akong Valentine gift sa kanya at wala pa kaming plano sa Valentine's Day. Pero mag-a-attend ako ng premiere night ng My Best Friend's Girlfriend bilang support ko kina Richard [Gutierrez] at kay Marian [Rivera] sa February 10. Manonood din ako ng Valentine concert ni Tita Zsa Zsa [Padilla, Karylle's mom] sa Dusit Hotel, guests niya sina Karylle at Jaya. May taping kami ni Marian ng Marimar sa February 14.

"Saka naniniwala naman akong hindi kailangang kung February 14 lang magsi-celebrate ng Valentine's Day. Never pa kaming lumabas ni Kay nang ganoong araw kasi, bukod sa ma-traffic, puno lahat ng lugar na gusto mong puntahan," paliwanag niya.

Hanggang first week of March na lang ang Marimar, may kasunod na bang project si Dingdong sa GMA-7? Totoo bang tinanggihan niya ang paghu-host ng Pinoy Idol?

"No, hindi ko po tinanggihan ang Pinoy Idol," paglilinaw niya. "Fan po ako ng American Idol at pinapanood ko ‘yon, pero management decision na rin na hindi na ako ang mag-host dahil may Marimar pa nga ako. Nakapagdesisyon na rin kami ng manager ko [Perry Lansigan] na mag-concentrate na muna ako sa acting ngayon.

"May narinig na po akong kasunod na project ko, pero hindi pa po nila sinasabi sa akin. Ang masasabi ko lang po, something big will happen to me by March 2008," bitin niyang sabi.

Naghula-hulaan ang mga kaharap na entertainment press ni Dingdong kung anong "something big" ang mangyayari sa kanya in March. May nagsabing new movie, new TV commercial, new endorsement. Pero walang tumama sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta po may kinalaman doon ang ginawa kong photo shoot last week," nakangiting wika ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN