Ara Mina shrugs off "Prinsesa ng Balyena" tag

“Hindi na ako nasasaktan sa ganyang mga batikos opuna sa akin, kasi ibig sabihin lang niyan, napapansin pa rin nila ako. Pag dika na nila tinira, it only means wala silang pakialam sa iyo,” replies Ara Minaabout being tagged as “Prinsesa ng Balyena.”



Kung emosyonal ang mga kaibigan at ilang mga kasama ni Ara Mina sa Bubble Gang dahil sa paglipat ng sexy actress sa bakuran ng ABS-CBN, nagpahayag din ng kalungkutan at sobrang pagka-miss si Ara sa mga dating kasama sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Naku, sobrang miss na miss ko na sila! One of these days bibitahin ko sila. Hindi ko lang magawa ngayon kasi may taping din ako ng Prinsesa ng Banyera every Monday. Ngayon nga, kagagaling ko lang sa taping kaya wala pa akong tulog.



"Basta alam nilang mahal na mahal ko yung grupo namin sa Bubble Gang. Sobrang miss ko na silang lahat—si Ogie [Alcasid], si Bitoy [Michael V.], si Rufa Mae [Quinto], Diana [Zubiri], Maureen [Larrazabal], Boy 2 [Quizon], Wendell [Ramos], si Antonio [Aquitania], sila Diego, yung aming EP, pati yung director [Uro dela Cruz] namin saka yung mga writers," pahayag ni Ara sa presscon ng indie film na Selda kahapon, January 31.

Regular na napapanood sa afternoon soap opera na Prinsesa ng Banyera si Ara. Nangangahulugan ba ito na pumirma na rin siya ng exclusive contract sa ABS-CBN?



"Hindi ako exclusive sa ABS, hindi rin ako exclusive sa GMA," paglilinaw ni Ara. "So far, wala naman akong problema sa ABS. Dati na rin naman kasi akong nag-Channel 2, kilala ko na yung mga tao dito. Kaya lang, ito yung first time na nag-soap ako pero non-primetime naman ang tinanggap ko."

Kontrabida ang role na ginagampanan ni Ara sa Prinsesa ng Banyera. Ayon sa aktres, ine-enjoy niya ang papel na ginagampanan niya.



"I can say effective naman yung role ko bilang kontrabida kasi marami ang naiinis sa akin. So ibig sabihin nun, nagagampanan ko nang mabuti ang role ko. Sana lang magkaroon din ako ng mga fans na tulad ni Kristine [Hermosa] na talagang sumusubaybay sa show niya," sabi ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRINSESA NG "BALYENA." Noon pa man isyu na ang pagkakaroon ng malaking rehistro ni Ara sa screen. Kung si Kristine daw ang Prinsesa ng Banyera, si Ara naman daw ang "Prinsesa ng Balyena." Ano ang reaksiyon niya rito.



"Sa screen talaga, nagge-gain ka ng 10 pounds, ‘tapos malaking bulas talaga akong tingnan sa screen. Pero in person naman, pumayat na rin ako saka nagti-trim down pa ako para eksaktong tingnan sa screen.

"Hindi na ako nasasaktan sa ganyang mga batikos o puna sa akin, kasi ibig sabihin lang niyan, napapansin pa rin nila ako. Pag di ka na nila tinira, it only means wala silang pakialam sa iyo. Mas nasaktan ako sa mga naunang pinagdaanan kong mga intriga, parang ingrown na lang siya," pahayag ng sexy actress.

Ang tinutukoy ni Ara ay ang mga kabi-kabilang mga intriga na pinagdaanan niya nang ginagawa niya ang pelikulang Anak ni Kumander, kung saan nakapareha niya si Manny Pacquiao. Aminado si Ara na nagsilbing trauma talaga ang pinagdaanan niya sa nasabing pelikula, mga gimik na hindi naman nakatulong para kumita itoang pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Dahil sa naging experience ni Ara, sa susunod na alukin daw siyang makatrabaho uli ang Pambansang Kamao ay magdadawalang-isip siya kung tatanggapin niya ba ito o hindi.



"Kung si Manny, okay lang, pero magdadalawang-isip ako na rin ako kasi ayoko nang maulit yung mga nangyari. Kung sinuman ang nagpakana ng mga issues dati, na I don't know kung para kumita ba o di kumita, yung gumawa niyan, sana naging happy kayo. Kung ginawa ninyo ‘yan for the promo of the movie, sana matuto kayo, magkaroon na kayo ng leksiyon," mariin niyang sabi.

SELDA. Kasama si Ara Mina sa indie film na Selda, na pinagbibidahan nina Sid Lucero at Emilio Garcia. Hindi ba nagdalawang-isip si Ara na tanggapin ang role niya sa nasabing pelikula gayong supporting lang naman siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Why not?" sambit niya. "Not all the time naman kailangang bida ka. Kailangan din nating suportahan ang mga kapwa actors natin. Walang kaso sa akin ‘yon, pero mapili din naman ako sa mga indie films na inaalok sa akin. Like yung sa iba, hindi sa hindi nagkasundo, but hindi ko lang nagustuhan masyado yung script.



"Selda is my first indie film. First time kong nakatrabaho sila Direk Paolo Villanueva, Direk Ellen Ramos with Sid and Emilio. Kakaibang pelikula ito. Hindi ito yung normal mainstream movie, pero iba siya at maganda talaga ang kinalabasan. I know di gaanong pinapansin ng publiko ang mga indie films, pero I hope this time, pansinsin nila.

"Actually, doing this movie inspired me to produce an indie film, which is Ate na kasama ko si Cristine Reyes [Ara's younger sister]. Ang plano ko na nga lang ay i-commercialize ko siya because first time kong nakatrabaho ang kapatid ko," kuwento ni Ara.

Speaking of Cristine, hindi siyempre maiiwasan na tanungin si Ara tungkol sa kanyang kapatid. Consistent pa rin si Ara sa pagsasabing hindi pa boyfriend ni Cristine ang TV host na si Willie Revillame, taliwas sa mga lumalabas na balita. Hindi rin daw totoong nakipagbalikan si Cristine kay Dennis Trillo.

“Hindi sila mag-boyfriend ni Willie, barkada lang kami,”giit niya. “Ito kasing si Willie, di mo alam kung seryoso o nagbibiro. WithCristine, confused din siguro siya kung seryoso ba si Willie o binibiro langsiya. Mas tine-take naming siya as barkada, not to the point na nanliligaw.

“With Dennis naman, ayokongmakialam sa kanya pagdating diyan. Pero nag-open siya [Cristine] sa akin latelylang na friends na lang talaga sila ni Dennis.”

Bilang isang ate, sinabi ni Ara na ayaw niyang pumasok ulisa isang masalimuot na pakikipagerelasyon ang kapatid, gaya ng nangyari kinaCristine at Dennis. Matatandaang dahil sa pakikipagrelasyon ni Cristine kayDennis ay nagkaroon ng alitan ang young actress sa dating beauty queen na siCarlene Aguilar, na ina ng anak ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman ni Cristine sa sarili niya na di biro yungnangyari sa kanya last time, so kailangang mag-ingat na lang sa susunod napapasok siya sa pakikipagrelasyon. Ayoko na lang na mangyari ulit yung before.May mga problema si Willie, kumplikado ang situwasyon nito, mahirapmakisawsaw,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN