KC Concepcion to debut as TV actress via "Maalaala Mo Kaya"

KC Concepcion, the daughter of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion, is bent on following in her parents' footsteps as she plunges into the acting arena. The Mega daughter, according to a report, will make her acting debut in a very special episode of Maalaala Mo Kaya.



There's no stopping KC Concepcion from conquering the world of show business.

Mukhang destiny talaga ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion na finally ay mapanood na siya ng mga tao na umaarte sa harap ng kamera.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na konektado sa ABS-CBN na ang kauna-unahang acting job ni KC sa telebisyon ay ang pagganap niya sa long-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK). Ayon pa sa aming source, natatangi at napaka-special daw ng role na ibinigay nila kay KC kung kaya't napapayag na finally ang Mega daughter na ipakita ang kanyang talento sa pag-arte sa harap ng telebisyon.

Kung walang magiging pagbabago, ayon sa aming source ay posibleng sa February 6 na ang first taping day ni KC for Maalaala Mo Kaya. Malamang na ipalabas din ngayong February ang naturang episode ni KC.

Dagdag ng aming source, hindi ang mga unang napapabalitang male stars ng Kapamilya network ang unang makakatambal ni KC sa MMK. Matatandaang nabanggit ang mga pangalan noon nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual bilang possible leading men ni KC, pero si Derek Ramsay raw ang mapalad na makakatambal ng dalaga sa unang acting job nito on TV.

Ayon naman sa isa pang nakausap ng PEP, kung sakaling mag-hit ang first team-up nina KC at Derek ay hindi malayong si Derek na rin ang maging kapareha ni KC sa first movie niya sa Star Cinema. Ang balita namin ay malamang na mag-umpisa ang shooting ng first movie ni KC sa April.

In fairness naman ay KC, sure winner ang ABS-CBN sa pagkuha nila sa dalaga. Bukod sa may pagmamanahan—parehong award-winners sina Sharon at Gabby—nahasa si KC sa larangan ng pag-arte sa pamamagitan ng acting workshops at musical plays kahit noong bata pa siya, gaya ng The Little Mermaid. Kaya tiyak na magiging magaling din na artista si KC gaya ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN