Sid Lucero just wants to be an actor, not a matinee idol

"That's not what I want. I just wanted to do my job. It just so happen na yun ang repercussions nun, e," says Sid Lucero about the price of being popular.



Nasa-shock si Sid Lucero sa lakas ng impact ng karakter niya bilang si Kung Krung sa bagong action-fantasy drama series ng ABS-CBN, ang Kung Fu Kids. Kilala na rin daw siya ngayon ng mga bata at nakakuha ng positive feedback sa kanilang programa. Pero ayaw isipin ng anak ni Mark Gil na sikat na siya.



Ayon sa kanya, "Ah, hindi pa and that's not what I want. I just wanted to do my job. It just so happen na yun ang repercussions nun, e. I don't even go out. Nandun lang ako sa bahay. Minsan lang when I go to the mall. Malakas yung recall ni Kung Krung, e. So, ‘pag nasa mall, yung pangalan agad, e. Nagugulat talaga ako. I'm not used to that kind of stuff, e.

"Yung mga bata, lalo na doon sa lugar kung saan ako nakatira—sa Little Baguiosa San Juan—ang daming bata. Kapag umuuwi ako, they'll greet me sometimes, they'll open the door ‘tapos they will call me by my character's name.

"It feels good kasi they appreciate, ‘tapos they watch it talaga. Kahit medyo mababaw yung tingin nila dun sa napapanood nila, nag-e-enjoy sila. Yun ang magandang part kasi lahat ng tao nanonood," pahayag ni Sid sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Selda noong January 31.

Hindi raw siya sanay na may pumapansin sa kanya na mga tao kapag naglalakad.

"Well, hindi naman nagma-mob yung mga tao, pero you know, kapag tinawag nila ako by my name," sabi niya.

Kumakaway naman ba siya in return?

"Of course," ngiti ni Sid. "I stop and kunyari bumibili ako ‘tapos yung attendant ang nakapansin, and then small talk. May certain level ng flattery. Pero minsan kasi nakakabastos yung ibang tao. Katulad ng ‘Uy, pa-picture' kahit alam nila na naglalakad ako. So, okay lang. ‘Tapos sasabihin nila, ‘Birthday ng friend ko, paki-greet naman.' ‘Huwag naman ganyan. Puwede naman ayusin mo naman.' Ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang ako, teka lang. I mean, they mean well, but sometimes they're not understanding anymore. Hindi naman sa ayaw na ayaw ko, di ba? But I'd rather not, I just want be left alone."

Paano kapag naging matinee idol siya?

"Parang ayaw ko ‘ata na maging matinee idol. Artista na lang!" natatawang sabi ni Sid.

What if mangyari nga at sumikat siya nang husto?

"Yun, natatakot. Sa totoo lang, I live under a rock. Hindi ako lumalabas ng bahay. If ever lalabas ako, I'll take my girlfriend out or I'll take my little brother out...or my friends, hang out, pupunta sila sa bahay. Yung TV ko, DVD lang ‘tsaka video games ang nagagawa. Wala namang ibang channels. Homebody talaga," sabi niya.

Hindi ba siya nagpupunta sa mga bar?

"Minsan," sagot niya. "Before kasi I used to manage a band, so lagi akong nasa bar. But that's business, e. It's managing a band. Hindi naman ako lalabas for the heck of it unless imbitahan kami."



MAN TO MAN LOVE SCENE. Ipalalabas na rin ang much-talked about indie film na ginawa nila ni Emilio Garcia sa direksiyon ni Paolo Avelino at Ellen Ramos, ang Selda. Kakaibang role ulit ang ginagampanan ni Sid bilang preso na na-in love sa kapwa niya lalaki.

"Dito medyo nahirapan ako kasi sobrang sensitive nung pagka-atake nung isyu. Nung unang ipinakita sa akin, game ako agad. Pero nung binasa ko, doon ako nag-second thought. ‘Tapos I talked to my manager [Ricky Gallardo] about it. I said, ‘Ricky, I'm having a problem with the script. Tawagan ko si Direk.' Me, I'm very honest whatever's on my mind, I really say it. Then, I talked to Direk and he assured me that everything will be in good taste. Naniwala naman ako because you have to build your trust between the people you're working with, di ba? And if get burned, saka ka umatras," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Satisfied ba siya sa kinalabasan ng mapangahas na love scene at kissing scenes nila ni Emilio sa Selda?



"Yeah, yeah," pagsang-ayon niya. "Kasi sobrang comfortable kami sa isa't isa. No one had anything against each other."

First time pumayag si Sid na magkaroon ng kahalikan na isang lalaki sa isang pelikula.

"Hindi naman siya torrid. It was very loving, very tender," paglilinaw niya.

Naramdaman ba niya ang halikan nila ni Emilio?

"Yeah, we have to, e. Mga sira-ulo ang mga artista, e. Siyempre may, you know... Gay is tender and of course it becomes... It has to be at least a little bit passionate," paliwanag ni Sid.

Hindi naman daw sila nagkailangan ni Emilio sa set ng Selda. Pero may nagbago ba sa kanyang pagkalalaki pagkatapos ng love scene nila ni Emilio?



"Hmmm, no. Alam ko na lalaking-lalaki ako!" sabay tawa ni Sid. "Kaya lang kadiri," pahabol niya.



Nandiri siya?



"Oo!" sigaw ni Sid.

Pero mabilis na nilinaw ni Sid na hindi dahil kay Emilio kaya siya nandiri sa eksena nila.



"Kunyari ganito, I can be beside you right? Eto na, we're just talking, right? And then, ganun din kami ni Emilio habang off-cam, ganun lang. Very normal. Pero nung ginawa na namin ang eksena, na-enhance na... Ewan ko ba!



"Lalaking-lalaki talaga yung naaamoy mo. Amoy yosi, amoy beer, ganun. But while doing it, of course, you have to keep...mindset lang talaga. Siyempre, you have to imagine, ‘Okay, I love this person. How would I kiss this person if I'm kissing a girl? So, I did the same thing."



MORE DARING.
Will he be more daring sa mga susunod naman niyang pelikula?



"Yeah, of course!" mabilis niyang sagot. "But I'm a type of guy kasi na parang yung kapag nandiyan na, saka mo [haharapin]. I don't really think about, okay, hindi ko pa ito nagagawa. I don't really think about na parang 'eto nagawa ko na, ayoko na ito. Hindi ganun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's more like, kunyari sa Selda. ‘Wow! Daring ito. Ewan ko kung kaya ko.' So I challenged myself and then it's not that case, and then we talk about my limitations and Direk Paolo and I talked about what I was comfortable with. Wala naman siyang isina-suggest na masyadong na-off ako. Well, I guess hindi ko naman kailangang biglain, di ba?"



This is how far he will go sa ngayon, ayon kay Sid. But what about frontal scenes sa pelikula, papayag ba siya?



"Ayoko...pero ewan ko lang, ha. Naglalaban kasi yung personal side and artistic side ko, e. Pero siyempre, ang nanalo yung artistic. Siyempre kasi yun ang ayoko, e. My life is based around it. But you know, ‘pag ganyan kasi, sobrang sensitive na, e. Pumapasok na yung business side din, e. So, that's what Ricky and I talked about it. But siyempre, hindi maiiwasan na naapektuhan ang personal side mo," pahayag niya.

Tatanggap pa ba siya ng pelikula gaya ng Selda?



"Well, I talked to Ricky about it and I realized that most of the films like that are pili ang audience. Kumbaga, may age limit. I told him na I guess parang we should try something else right now. Kasi, you know, it's becoming too serious. Everything is so serious. We should try light, like itong Kung Fu Kids nga.



"Hindi naman sa ayoko na ng ganitong pelikula," patuloy niya. "It's just that hindi naman kailangang lahat ng movie mo ganyan ang gagawin mo."



Nagsisisi ba siya sa mga pelikulang ginawa niya na hindi niya nagustuhan ang kinalabasan?



"May mga tanong, parang should I be really doing it? Hindi naman sa sisi, pero siyempre iku-question mo ang sarili mo, ‘Tama ba ito? Paano ang tingin ng pamilya ko sa akin? Wait, may girlfriend ako. How would she feel?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Although, she's also in the industry kaya she understands. Hindi naman ako sa nagpapaalam, kundi nagpapaalam lang ako kasi I still consider her feelings. But siyempre, my job is my job. And at the end of it, this is my job and I love my job," pagtatapos ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN