Jessa Zaragoza on Rufa Mae Quinto's revelation in "YES!": "Kasinungalingan."


Rufa Mae Quinto interviewed with couple Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado on July 16, 2007. She asked Dingdong why he chose Jessa Zaragoza over her seven years ago. He replied: "Alam mo, and alam na rin ng tao na kung ano yung reason kung bakit ko pinili si Jessa...and it has nothing to do with you. Jessa came [at] the right time."


"Hindi ako papayag na kalakihan ng anak ko ang mga kasinungalingang pinagsasabi niya," says a furious Jessa Zaragoza regarding the tell-all interview of Rufa Mae Quinto in YES! magazine's February issue.

Nagkaroon ng phone patch interview si Jessa sa StarTalk Saturday afternoon, February 2. It was arranged by broadsheet columnist Ricky Lo, who is also godfather to Jessa and Dingdong Avanzado's daughter Jayda.

Mula sa U.S. kung saan mahigit isang taon na silang tahimik na naninirahan, hindi napigilan ni Jessa ang hindi magsalita nang nabasa niya ang tell-all interview ng dati niyang kaibigan na si Rufa Mae sa YES! magazine. Sa naturang interview kasi ng sexy comedienne, lumabas na inagaw ni Jessa si Dingdong kahit pa magkaibigan sila ni Rufa Mae. At nabanggit din doon na never nag-apologize sa kanya ang mag-asawa.

Pagkatapos ng interview, nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jessa para makibalita. Pero imbes na text ay tawag ang natanggap namin kay Jessa na, for the first time, mula nang nagkakilala kami ay ngayon lang namin narinig na galit na galit.

"Mare, sobra ang ginawa sa amin ni Rufa Mae sa tell-all interview niya sa YES! magazine, hindi ako papayag na masira kami ng ganito," panimula ng misis ni Dingdong.

Mga in-laws ni Jessa ang unang tumimbre sa kanila tungkol sa interview ni Rufa Mae, at agad naman niyang sinabihan ang kanyang secretary sa Pilipinas na magpadala ng kopya sa kanilang bagong tirahan sa Napa Valley sa may American Canyon.

"Nabasa mo na ba ang interview?" tanong niya sa amin.

"Ang ganda ng pagkakasulat. Kapag binasa mo, detalyado, akala mo totoo. Pero puro kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa interview. No problem kung ang tell-all niya, facts lahat, kaso hindi... Ayokong kalakihan ito ng anak ko. She's now four years old. In two years time, matututo na siyang magbasa and she is bound to read this. Karapatan ng anak ko na malaman ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya [Rufa Mae] makaka-relate dito dahil hindi siya ina. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ko. Sinisira niya kami, sinisira niya sa anak namin ang ama nito sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya," ang sabi ng singer na galit na galit.

Ang sobrang ikinagalit daw ni Jessa sa article ay yung sinabi ni Ruffa Mae na niloko siya ni Dingdong at inagaw niya si Dingdong kahit pa best of friends sila.

Jessa dropped the bomb: Hindi naging girlfriend ni Dingdong si Rufa Mae.

Aniya, "How could you use the word girlfriend, at that time, Rufa Mae is [sic] seeing other men? In fact, nahuli siya noon ni Dingdong with another guy, an actor [off-the-record na binanggit sa amin ni Jessa ang pangalan]. Nagpunta si Dingdong sa bahay niya, ayaw siyang pagbuksan ng pinto, paano nandoon si actor. Umiyak si Rufa Mae.

"Paano naman seseryosohin ng lalaki ang isang ganitong babae? Lumalabas sila, nagdi-date sila pero may ibang lalaki ring sinasahaman si Rufa Mae that time, si actor nga. ‘Tapos may [another actor] on the side pa. Si Dingdong ang mismong nakahuli sa kanya. Ngayon, she considers herself girlfriend of Dingdong?" ang maaanghang na sinabi pa ni Jessa.

We asked Jessa na bakit noong mga panahon na yun, the impression was that that Rufa Mae and Dingdong were indeed an item.

She simply answered: "Dahil lumalabas nga sila. Pero ang girlfriend, exclusive sa isa lang. At that time, hindi makapagsalita si Dingdong dahil siya ang lalaki. Siya ang mapupulaan, mare, for being ungentlemanly. Pero ako, nagsasalita na ngayon, bilang asawa ni Dingdong at ina ni Jayda. Hindi ako papayag na kalakihan ng anak ko ang mga kasinungalingan niya. Hindi na namin ito kailangan. Hindi ko na kailangan ng issue. Nanahimik na kami rito ni Dingdong sa States, maganda ang pamumuhay namin, marami pa ring trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Dahil nandito na kami sa U.S., okay lang na magsalita siya ng ganito sa amin? Ang tell-all, dapat puro facts. Sabi niya pa sa interview nanghihingi siya ng apology from us. Siya dapat ang magbigay ng apologies sa amin. Akala ko ba tapos na ito? ‘Di ba sa Showbiz Central noon, pinag-ayos na kami? Akala ko closure na yun? Bakit may ganito na naman?"

Sa pag-uusap namin, may nag-text daw sa kanya na kailangan niyang manood ng Showbiz Central this Sunday, February 3, dahil may mga sasabihin pa raw si Rufa Mae bilang sagot nito sa interview ni Jessa sa StarTalk. Ginamit ng nag-text kay Jessa ang katagang "sisirain" daw ni Rufa Mae si Jessa.

"Bring it on," ang one-liner ni Jessa sa amin.

"Ayoko ng gulo, hindi namin kailangan ng issue. Nanahimik na kami rito, pero ngayong inumpisahan niya ito, handa ako. Hindi ako naghahanap ng kakampi, pero kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko para sa anak ko."

Last words ni Jessa kay Rufa Mae: "Ipagdarasal ko na lang siya. Sana mauntog siya sa mga pinaggagagawa niya. Nasa itaas siya ngayon pero hindi ito panghabambuhay. I'm sure mapapalo rin siya ng Diyos balang-araw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN