"Pinoy Idol" judge Ogie Alcasid sits as a fan but will be "less forgiving"

He's a singer, a song writer, a comedian, and one of showbiz's most in demand performers. But in GMA-7's upcoming show Pinoy Idol, Ogie ALcasid says he'll be wearing the hat of a fan.



Past nine o’clock in the evening na nang natapos anglast audition na ginawa ng Pinoy Idolsa Iloilo last Friday, February 1. Nagdesisyon na kasi ang tatlong judgesna sina Ogie, Wyngard Tracy, and Jolina Magdangal na ubusin na ang natitirangcontestants that night kaysa pabalikin pa ito kinabukasan.

Pagkatapos ng audition, dumiretso sa Krua Thairestaurant ang tatlong judges, kasama ang host na si Richard Gutierrez, for alate dinner. Katabi lang ng Iloilo Business Hotel (IBH), kung saan ginanap ang final day of audition, ang nasabing restaurant.

Pinag-uusapan pa rin nina Ogie and company angkatatapos lang na audition. Ang comment ni Ogie for the third leg (afterCagayan De Oro and Batangas), less forgiving na raw sila.

“Sa first two legs kasi, nangangapa pa kami bilang mgajudges. Dito kasi, parang nag-jell na rin ang mga utak naming tatlo. Parangalam na namin kung ano ang gusto naming makita na lalaban sa Pinoy Idol when it starts airing,”sabi ni Ogie.

Sa dinami-rami ng nag-apply sa Iloilo, labing-animlang ang nabigyan nila ng gold ticket para papuntahin sa Manila for the finalscreening. Mas kaunti kaysa sa bilang ngmga nabigyan sa Cagayan at Batangas.

Kumbaga sa AmericanIdol, si Ogie ang tumatayong si Randy Jackson, being the songwriterand producer. But Ogie insists that his judging here is different.

“No, ako, nakaupo rito as a fan,” explain niya saamin. “We are really looking for a star, the next singer na iidolohin ngPilipino, the Pinoy idol. Kaya habang nagdya-judge ako, hindi ako nagpapatawarito, napansin mo?

“I am feeling everything…tinitignan ko atpinakikiramdaman ko how a contestant will affect me while they [sic] aresinging. Hindi naman ako siguro magpi-presume that the first PI will want to sing my song, or that amI planning to write a song na for the first winner. I want to see a star, wewant to make a star. To do that, I have to be a fan first, I need to beaffected,” pagtatapos ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN