Iza Calzado enjoys working with Robin Padilla in "Joaquin Bordado"

It's unlikely that she'll bag the role of either Darna or Dyesebel, but Iza Calzado doesn't mind all. She says drama is her turf, and she will never question the plans of GMA-7 for her.


May kumakalat na balitangkaya raw hindi mabigyan-bigyan si Iza Calzado ng plum role, gaya ng Darna or Dyesebel, sa GMA-7 ay sa dahilang hindi raw kasi ma-achieve ng aktresang magandang pangangatawan na kailangan sa mga nabanggit na projects.

Nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Iza sa set ng E.S.P., ang bagong suspense-thrillerseries ng Kapuso network. Aniya, maski siya, hindi niya alam ang dahilan.

"Besides, hindi namanako naghahangad in particular na maging Dyesebel or Darna. Siguro nga,hindi bagay sa akin. At saka hindi ko carry ang magkaroon ng sexy image nakailangan din sa ganoong klaseng portrayals," ang paunang paliwang ng aktres.

Ang sabi pa niya, "Kahit gustuhin ko man,kung hindi para sa akin, at hindi ibibigay sa akin, walang problema yun. Kasi, tama na sa akin ang magagandang breaks na ibinibigay ng GMA-7 sa akin.Masaya ako at talagang tinututukan pa rin nila ako."

Si Iza ang major leading lady sa Joaquin Bordado opposite Robin Padilla. Bukod pa ito sa E.S.P.na siya rin ang bida.

"Sobra-sobra na angmagagandang breaks na yun para hangarin ko pa ang mga bagay na hindi para saakin. Sa GMA-7, alam nila kung saan kami ipupuwesto.

"At saka interestingpara sa akin ang drama. Dito ako nalilinya. May challenge din siguro ang mag-playna Darna or Dyesebel, pero kung hindi nga for me, ayoko nang hangarinpa," paliwanag pa ni Iza.

Nilinaw rin ni Iza na siya angklase ng talent na masunurin sa GMA-7 executives. Never daw siyang nanguwestiyonsa mga desisyon ng network sa career niya.

"Ginagawa nila angnararapat, and I just have to trust them. Hindi naman masama ang katawan ko,but in a way, ayoko ring malinya sa sexy roles dahil hindi ko mabibigyan ngjustice. I know my limitations.

"Ayokong tumanggap dinng roles na hindi bagay sa akin. At kung talagang bagay sa akin ang mag-Darna or Dyesebel, I'm sure, ibinigay na rin sa akin 'yan ng GMA. Pero,nasa kanila ang desisyon," banggit pa ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman ang rason kung bakit hindi ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang mga naturang roles ay dahil alam ng mga TV executives na hindi naman niya iniisip talaga mag-Darna or Dyesebel. Hindi kaya?

"I'm getting what Ideserve," aniya. "Walang dahilan para magreklamo paako. I don't think much of my TV career, kasi, for the past few years, nararamdaman konamang sigurado na ang future ko rito.

"Nagtatrabaho pa rin akopara hindi magsawa ng suporta ang GMA-7 sa akin, pero nakatutuwa ang malalakingbreaks na ibinibigay nila. Masaya na nga ako nanabigyan ako ng Amihan role noon sa Encantadia. Yeah, it's true. Akala ko, hanggangdoon lang ako, pero marami pang dumating. During that time, masaya na ako sabreak na yun for me," kuwento pa ni Iza.

Ang isa pang medium na gustoni Iza ay ang pelikula. So far, she's getting nice roles na hindi basta naibibigay sa mga artistang kasabayan niya.

Ayon kay Iza, "In the past years,maski sa indie films, I was able to get meatier parts. Napatutunayan ko ang worthko as an actress, and that's good enough for me.

"Iba't ibang klasengroles na ang naibibigay sa akin. Nakatrabaho ko na nga si Robin [Padilla] sa Blackoutbefore, isang indie film, and this time, mahabang panahon ang pagsasamahannamin sa Joaquin Bordado.

Kumusta naman si Robin bilang katrabaho?

"It's always a pleasureworking with Binoe. Off-camera, sobrang asaran ang inaatupag namin. May ganoongkulitan factor, pero pagdating sa trabaho, since I play his wife in the series,I have to project somebody who's really head-over-heels in love with him,"sabi pa ni Iza.

At hindi naman daw siyamasyadong nahirapan sa ganoong aspeto dahil nakaka-in love naman daw talaga si Binoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN