Iza Calzado's "special someone" no longer around on Valentine’s Day

"Marami nga ang hindi na naniniwala na wala akongdate sa Valentine's Day. Sinabi ko naman that my special someone will no longerbe here sa bansa at babalik na siya sa U.S. Gustuhin ko man na makasama siya,may mga trabaho tayo rito," says Iza Calzado about her dateless Valentine's Day.


Sa darating na Valentine's Day, malamang na dateless ang aktres na siIza Calzado. Wala na raw dito sa Pilipinas ang boyfriend niyang si Jerry Garcia na babalik sa U.S. kung saan itonaka-base. Baka raw ang pamilya at mga kaibigan na lang ni Iza ang makakasamaniya sa Araw ng mga Puso.

"Marami nga ang hindi na naniniwala na wala akong date sa Valentine'sDay. Sinabi ko naman that my special someone will no longer be here sa bansa atbabalik na siya sa U.S. Gustuhin ko man na makasama siya, may mga trabaho tayorito," saad ni Iza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang horror anthology sa GMA-7, E.S.P.

Dagdag pa niya, "For me naman, hindi naman tuwing Valentine'sDay ka lang mabibigyan ng flowers at chocolates. Magagawa naman 'yan kahitaraw-araw. Every day could be Valentine's day, di ba? Kaya for me, Valentine's Day will be a family day na lang. Baka manood kami ng shows or kumain salabas."

A week before Valentine's, February7, ay ipalalabas na ang bagong primetime show ni Iza sa GMA-7 na E.S.P. Papalitan nito ang namaalam nang drama anthology ni Ms.Mel Tiangco na Magpakailanman.

Sa February 11 naman ay simula ng isa pang primetime show ni Iza, Joaquin Bordado with RobinPadilla.

Maganda nga ang simula ng 2008 para kay Iza dahil bukod sadalawang shows ay sunud-sunod din ang product endorsements niya at mgapelikula.

"I'm so blessed lang siguro at maraming nagtitiwala sa atin.I make sure naman na hindi ako mapapahiya sa mga taong ito. Sa lahat naman ngibinibigay sa aking trabaho ay pinagbubuti ko. And I make sure na maganda ang working relationshipko with everybody sa set," natutuwang pahayag ni Iza.

Makakasama sa E.S.P. ni Iza sila Francine Prieto,Alfred Vargas, Nonie Buencamino, Patricia Ysmael, Paolo Paraiso, Liza Lorena,Pen Medina, at special guest si Eula Valdez. Mula ito sa direksyon ni ArgelJoseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN