Fans and Patrick Garcia show support for Jennylyn at her anniversary concert in Zirkoh

"I constantly try to understand her. Delicate ang situationniya ngayon. She's very emotional parati. Kaya nga nandito ako for her. I loveher and I will always be with her kapag kailangan niya ako," says Patrick Garciaabout girlfriend Jennylyn Mercado who is now three months pregnant


Pinatunayan ng mga fans ni Jennylyn Mercado na solid parin ang suporta nila sa kanilang idolo nang punuin nila ang Zirkoh ComedyBar noong February 2 para sa anniversary concert ni Jennylynna Thanks To You.

Alas-siete pa lang ng gabi ay pila na ang mga fans niJennylyn. Hindi nila ininda ang matagal na paghintay—nagsimula angconcert ni Jennylyn around eleven ng gabi na. Walang umalis o nainip na mga tagahanga ni Jennylyn atnoong lumabas siya ay pinaramdam kaagad nila ang kanilang pagkasabik dito.Binigyan pa kasi nila ng surprise baby shower ang kanilang idolo na ikinatuwanaman ng young actress.

Buong show ni Jen ay nakaupo siya. Halata na angtiyan niya, pero hindi naapektuhan ang singing voice niya. Special guests niJen sina Christian Bautista at Janno Gibbs.

Maagang dumating ang boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia kaya sa simula pa lang ngshow ay nandoon na siya at tahimik na nanonood at nakikihalubilo sa mga fansng kanyang girlfriend.

Sa finale ng show ay umakyat si Patrick at binigyan niya ng mga bulaklak si Jennylyn. Biniro ng young actor ang kanyang kasintahan na huwag nang maging masungitsa kanya dahil mahal na mahal niya ito, pati na ang magiging baby nila.

Pinasinungalingan nina Jennylyn at Patrick na naghiwalay na sila. Matatandaang sa interview ni Jennylyn sa StarTalk, kung saanipinakitang umiiyak siya dahil sa pagtatampo kay Patrick, ay pinakiusapan na ng young actress na huwag na itong ipalabas.

Nagtatampo lang daw siya noong araw na 'yon na hindi niyamalaman. Dala lang daw siguro 'yon ng kanyang pagiging buntis kaya masyadosiyang sensitive ngayon.

Galing na rin kay Patrick na may mga pagkakataon na nasa tabi siyani Jen, pero may times din na wala siya. Pero it doesn't mean na hindi na niyamahal ang kasintahan. Alam naman daw ni Jen na maraming inaasikaso si Patrick at mahirappara sa young actor to be in two places at one time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I constantly try to understand her. Delicate ang situationniya ngayon. She's very emotional parati. Kaya nga nandito ako for her. I loveher and I will always be with her kapag kailangan niya ako," ngiti pa niPatrick.

Hindi nga iniwan ni Patrick si Jennylyn hanggang hindi nakakalabas ng Zirkoh ang young actress. Sa sasakyan ni Patrick sumakay si Jennylyn na sinundan nalang ng sasakyan nito kung saan nandoon naman ang buong pamilya ni Jennylyn na dumating infull force.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN