Raymond Gutierrez admits appearing as double of twin brother Richard before

The Gutierrez twins are equally handsome and talented, but they both chose to pursue different careers. Richard is into acting, while Raymond prefers hosting.


Inamin din sa wakas ni Raymond Gutierrez na minsan siyanglumabas sa telefantasya noon ng kambal niyang si Richard Gutierrez na Sugo.Ang Sugo ay ipinalabas noong 2005 sa GMA-7 kung saan gumanap si Richard bilang kambal na pinaghiwalay ng tadhana, sina Miguel at Amante.

Inamin ito ni Raymond habang naka-strap sa lie detectormachine at mismong si Richard ang nagtanong sa kanya sa birthday specialng huli na A Handsome Journey, na ipinalabas kagabi, February 2, sa GMA-7.

Ilang beses kasing nag-deny noon si Raymond na lumabas siya sa Sugodahil wala raw siyang hilig sa acting at pang-TV hosting lang siya. Pero noongaminin niya ay nagbigay naman siya ng explanation.

Noong mga panahong 'yon ay wala pa raw siyang regular na trabaho atnakiusap daw sa kanya si Richard, pati na ang production staff ng Sugo,na lumabas si Raymond bilang kambal ng character ni Richard sa Sugo. Nagmamadali raw kasi silang matapos ang ilang episodes ngSugo at kung kukunan pa raw nila si Richard sa dalawang roles nito sa isangconfrontation scene ay aabutin daw sila ng 24 hours bago matapos ang isangeksena lang.

Ayon sa isang source na konektado noon sa production staff ng Sugo, binayaran si Raymond ng P50,000 para saisang taping day niya. Pumayag si Raymond dahil bukod sa nakiusap sakanya ang kanyang kambal, sayang din daw ang ibabayad sa kanya for that onetaping day.

Pero sa totoo lang ay wala talagang hilig si Raymond sapag-arte. Mas concentrated ito sa pagiging host at mahusay naman niyang nagagampanan ito sa Showbiz Central, SOP, and Living It Up saQTV-11. Ngayon, siya ang napili ng GMA-7 na maging host ng Philippine version ng American Idol, ang Pinoy Idol na malapit nangmagsimula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN