Bangs Garcia surprised that Sam Milby denied their past closeness

Palos star Bangs Garcia said that her family was at aloss about Sam Milby's denial. "They could not understand kung bakit the way he saidit, parang wala lang kaming pinagsamahan. We were really very close, kaya akotalaga, malakas ang loob ko to tell everyone na talagang lumabas kami."


Labis palangnasaktan si Bangs Garcia sa naging pahayag ni Sam Milby na hindi siya nagingkarelasyon nito. Sa interview kasi ni Sam sa Entertainment Live, sinabi ni Sam Milby na hindi niyanaging girlfriend si Bangs. Taliwas ito sa mga naunang pahayag ng dalaga na sila ni Sam Milby ay nag-exclusively dating noong hindi pa pumapasok siSam sa Pinoy Big Brother (PBB).

Sinabi ni Bangs natalagang masakit ang dating sa kanya, lalo na sa mga kamag-anak at iba pangkaibigan ng kanyang pamilya.

"Because they knowthe truth. Sa kanila ako mas nasaktan. Sila talaga yung hindi makapaniwalangganoon ang pagkasabi ni Sam. Hindi ko napanood, but I was told na parang angdating, ni hindi kami naging magka-close for him to deny everything about us,"malungkot na kuwento ni Bangs sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) matapos niyang sumalang sa live interview sa TheBuzz kahapon, Pebrero 3.

"In a way, tamanaman siya, we really never had a relationship," patuloy niya. "Hindi siya nanligaw sa akin the traditional way, parang nag-MUlang kami. Siguro ganoon angperception niya, but everybody in the family knew we were dating. And most ofmy close friends.

"That time, totoo namang we were going out, nagde-date kamingdalawa at kung tutuusin, parang kaming dalawa na talaga. Maybe I assumed toomuch. Dahil akala ko, komo may pagka-foreigner siya, ganoon na yun. I waswrong. But he is right,now I realize na, yes, we were never on, dahil nga wala naman kaming pormal nausapan.

"Pero talagang yungmga kamag-anak ko, they could not understand kung bakit the way he said it, parangwala lang kaming pinagsamahan. We were really very close, kaya ako talaga, malakas ang loob ko to telleveryone na talagang lumabas kami," paulit-ulit na sabi ni Bangs to giveemphasis to her point that Sam Milby used to be very close to her.

At dahil nga sanangyaring kaguluhang ito sa kanyang buhay, Bangs swears next time she will bemore careful in divulging things. Siguro raw kasi napagkamalan siyang masyadong ginagamit yung issue aboutSam. "I felt I was just telling thetruth, but if that's what I got from it, okay lang po, I will just be carefulnext time," very apologetic na salita ni Bangs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga nang madakoang usapan tungkol kay Jake Cuenca na leading man niya sa Palos,maingat na si Bangs sa mga kuwento niya. "Ipinagpapauna ko na po, he is not courting me, we are not dating, and Iam not expecting na liligawan niya ako. But we are really close friends.

"I like Jake a lot,pero talaga pong wala yung puwedeng isipin na kaming dalawa na. Nakahihiyanamang masyado na lalabas na namang ipinamamalita ko, pero hindi naman totoo,"pagdidiin niya.

Yun naman daw tungkol sa medyonagkabuhol-buhol na kontrobersiya sa kanila ni Roxanne Guinoo, wala naman dawbasehan talaga yung pinagmulang siya'y labis na pinagseselosan nito dahilnaagaw na niya si Jake sa kanya.

"Hindi po kami niJake, magkatrabaho lang kami at wala talaga siyang rason na pagselosan ako kungtotoo mang nagseselos nga siya. I feel na kaibiganko rin si Roxanne and there was a point na nag-usap na kami at sa ngayon, tiyakko na na ayos na kami. Kaya sana naman, tumigil na itong kontrobersiya sa amingtatlo nina Roxanne at Jake Cuenca, we are all friends and let it just remainthat way, para mas masaya," pagwawakas ni Bangs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN